Derrick Monasterio, ginagamit daw si Maine Mendoza para sumikat

ADVERTISING

Derrick Monasterio, ginagamit daw si Maine Mendoza para sumikat
Derrick Monasterio, ginagamit daw si Maine Mendoza para sumikatNagkataon lang ngayon na mas sikat si Maine Mendoza ng AlDub kaya sobrang iniintriga naman si Derrick Monasterio ng isyung panggagamit umano para siya ay mapansin at mapag-usapan. Hindi na baguhan sa showbiz ang guwapong Kapuso actor, kaya aware na rin siya sa ganitong sistema. Na mapadikit lang ang pangalan mo sa mas sikat na personality, titirahin ka na at kung anu-anong intriga na ang ipupukol sa ‘yo.

Hindi balat-sibuyas si Derrick Monasterio sa mga intriga, dahil dating artista ang kanyang mommy na si Tina Monasterio na sumikat noong panahon ng mainit na tapatan nina Vilma Santos at Nora Aunor.  Napakaganda ng mommy niya nu’ng dalaga pa ang dating aktres at sobrang ligawin ng mga kalalakihan sa loob at labas ng showbiz, kaya dumanas din siya ng mga intriga. Natutunan ni Derrick mula sa kanyang mommy na kung kaya naman ang dating ng mga intriga, deadma na lang.

Kahit naman mapadikit ngayon ang pangalan ni Derrick sa mas sikat na si Maine Mendoza, hindi siya puwedeng basta maliitin. Masipag na Kapuso actor ang anak ni Tina Monasterio. Siya ‘yung maipagkakapuring actor ng GMA, dahil mabait siya’t magalang sa mga nakasasalamuha niya sa showbiz. Masayahing tao si Derrick, na palaging nakabungisngis, kaya kahit intrigahin siya ngayon dahil sa closeness nila ng ka-loveteam ni Alden Richards, madadala niya nang magaan ang mga intriga.

Smile na lang, ‘di ba, Derrick?

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING