Rochelle Pangilinan, na-culture shock sa indie film

ADVERTISING

Rochelle Pangilinan, na-culture shock sa indie film

Rochelle Pangilinan, na-culture shock sa indie filmFirst time pala ni Rochelle Pangilinan na mapasama sa isang indie film.

ADVERTISING

Kaya naman na-culture shock si Rochelle sa unang salang niya via the film “Tandem” where she plays the preggy girlfriend of indie actor Nico Antonio na ka-tandem ni JM de Guzman sa pelikula.

“Iba kasi ang style nila ng pagsi-shooting. Kahit ang lengguwahe nila iba. Sa indie film, p’wede ka palang magmura. Kahit ano p’wede mong sabihin. Kumbaga, walang edit-edit. Mas natural,” kuwento ng dalaga sa amin.

Ikinumpara ni Rochelle Pangilinan ang kanyang karasanan sa pangkaraniwang taping sa telebisyon o sa paggawa ng pelikula.

ADVERTISING

Sa taping daw bawal ang magmura. “Bawal ang linyang ‘putang ina mo, gaga, tarandado’. Tame na tame nga ang telebisyon or even ‘yong regular na mga movies,” kuwento niya.

Pero na-enjoy ni Rochelle ang indie film experience niya. “Masaya. Enjoy. Kahit anong line p’wede pala. ‘Pag may chance ulit na makagawa ako ng indie movie, okey ako,” sabi ng dalaga na ngayon ay nagseseryoso na sa kanyang showbiz career bilang isang artista.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING