Fil-Am actor, hindi pa ‘binyagan’ – Tita Swarding

Fil-Am actor, hindi pa ‘binyagan’ - Tita Swarding

Fil-Am actor, hindi pa ‘binyagan’ - Tita SwardingOLACHIKA! NAKU, MAY pahuhulaan na naman ako sa inyo mga kafatid. Ewan ko lang kung mahulaan n’yo itong aking pitik-bulag and I’m sure, makapag- isip kayo at ‘yung medyo conservative diyan ay mapapa-iwww talaga kayo. Ha! Ha! Ha! Kalerke, ha!

Todo ariba na nga itong si guwapong tisoy. Ang ang alam ko ay half-Pinoy ito, pero ‘di ako sure kung ano ang kalahating dugo. Ha! Ha! Ha! Kasi, sobrang guwapo nga naman nito. Siyempre, may lahing banyaga. Charot!

Dahil sa kaguwapuhan nito ay madali niyang napasok ang mundo ng showbiz. Pati ang pagmomodel ay napasok na rin nito at medyo parami na rin ang comercial nito sa telebisyon ngayon, huh! O, may clue na ha! Ang nakakaloka sa gwapong model- actor na ito ay nangyari sa nakaraang fashion show kung saan ay inabangan ng lahat ang mga nagguguwapuhang mga lalaki. Si guwapong model-actor ay nagbibihis sa dressing room. Siyempre, marami sila sa dressing at nakikipagsiksikan pa ang mga baklang walang ginagawa basta makakita lang ng mga guwapo at naglalakihang katawan at kanotahan. Ha! Ha! Ha!

Ano raw? Itong si guwapong model-actor ay towel na lang ang ginawang takip sa katawan para hindi lang masilipan ng mga jokla. Ha! Ha! Ha! Pero wala siyang nagawa nang may-I-silip daw ang nota nito at nag-Hi! and Hello! Ay, bonggacious, ha!

Ang nakakaloka ay balot na balot ang nota as in hindi tuli itong si gwapong model-actor. Kalerke, ha!

MARAMI ANG NALOKA sa hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa sex goddess ng bansa na si Rosanna Roces at sa guwapong si Senator Bong Revilla, Jr. kung saan lumaki nang lumaki at marami na rin ang na-involve sa hidwaan nila at ‘yung iba ginagatungan na lang daw  upang magkaroon ng ingay. Nakakaloka, ha!

Pilit kong tinatawagan si Osang dahil marami na rin kaming pelikulang pinagsamahan ngunit ang hitad ay hindi sinasagot ang aking tawag. Nais  kong  maliwanangan ang publiko tungkol sa mga isyung binabato laban sa kanilang dalawa ni Bong, na umabot pa raw ito sa pag-ban ng dating sexy actress sa dalawang malaking istasyon at si Senator Bong daw ang may pakana kung bakit banned ito.

Kinausap ko ang guwapong senador ngunit hindi siya nagpaabot ng kanyang mensahe tungkol sa isyu. Alam nila na malapit ako sa dalawang kampo, kay Osang at kay Senator Bong.

By the way, anyway highway, balik-kapuso raw ang anak ni Senator Bong Revilla na si Jolo Revilla at ito raw ang papalit sa ama nitong senador sa panghapong programa tuwing lingo na Kap’s Amazing Stories. Kamakailan lang ay may palabas ang anak nito sa kampo ng Dos, ang remake ng palabas ng lolo nito noon na ginawang serye sa telebisyon. Si Jolo na nga raw ang papalit sa ama nito sa programa dahil tatakbo ang gwapong ama nito sa susunod na eleksyon at isa ‘yun sa ipinagbabawal ng Comelec. Pati ang pelikula nito na ipalalabas sa darating na Metro Manila Film Festival ay  pinangambahanng hindi maipalabas. Nakakaloka, ha! Naku, inaabangan pa naman ito ng lahat. Tsk.Tsk.Tsk. Nakakaloka talaga

HINDI SWAK SA panlasa ng publiko ang palabas ng Dos na Pinoy Big Brother. Tila hindi ito nag-iinit sa panlasa at sa mata ng publiko. Tila nakakasawa na at marami ang hindi nagkagusto sa ilang mga task na ipinag-uutos ni Kuya.

‘Yan ang isa na naitsika ng aking Parazzi Girl. Sa totoo lang, hindi ko rin feel ang mga housemate ni Kuya. Okray nga ng katsika ko, mga tsaka raw ang mga housemate ni Kuya. Aray ko po! Ha! Ha! Ha! Tila walang pagbabago ito, kahit double up pa ay tila sinasawaan na ng publiko. Ay, naku, sorry na lang at hindi ko kasi ito pinapanood. Ha! Ha! Ha! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding