$10,000 daw kasi ang appearance fee; Fil-Am director, turned-off sa kilalang actress!

ADVERTISING

BLIND ITEM: Turned-off ang isang Fil-Am director na based sa US when he invited an actress na kilalang-kilala.

Meron kasing maliit na festival organized by the Fil-Am director and he wanted the actress to grace the occasion since naroroon na rin lang siya at tampok naman ang pelikula niyang award-winning.

ADVERTISING

Naloka na lang ang director nang mag-quote ng price ang aktres para sa kanyang short appearance.

Imagine, $10,000 daw ang hinihingi ng aktres for her limited appearance sa festival na ‘yon.

Gustuhin man ng director at film festival organizer na pagbigyan ang aktres ay hindi puwede dahil limited lang ang budget nito.

ADVERTISING

With that, hindi na lang natuloy ang appearance ni aktres sa festival.

By Alex Brosas

ADVERTISING