100% GARANTISADO: Style ni Vhong Navarro, swak na swak!

ADVERTISING

100% GARANTISADO: Style ni Vhong Navarro, swak na swak!

100% GARANTISADO: Style ni Vhong Navarro, swak na swak!
Vhong Navarro

WALANG NAKAPAGSABI na ang komedyanteng si Vhong Navarro ay magle-level up from a dancer to a very good comedian.

 
Dati, pasayaw-sayaw lang si Vhong kasama ang Street Boys na humahataw sa dance floor with their kind of dance na sa iba ang dating ng pa-tumbling-tumbling at pag-spin na naging instant favorite sila ng mga bagets.
 
Dahil sa grupo nila, naging trending sa mga kabataan ang style ng pagsasayaw  nina Vhong at mga kasamahan niya.
 
Kaya nga ng tumawid si Vhong from the dance floor para maging isang komedyante, wala nakapagsabi na magki-klik siya bilang “Mr. Suave” at mga ibang ga ginampanan niya sa pelikula at telebisyon.
 
Can you imagine na ang isang tulad niya na astig at “buwakaw” sa hardcourt sa larong basketball, one morning ay magiging talyada na girl na ang katauhan ni Sabrina na isang ramp model played by the sexy Lovi Poe ay magiging siya?
 
Imagine Vhong Navarro na kikay na kikay ang karakter ay matatawa ka sa switching of characters nila ni Lovi as Sabrina.
 
Hataw ang bagong comic team nina Vhong at Lovi ayon sa mga nakapanood na ng rough version ng pelikula.
 
100% GARANTISADO: Style ni Vhong Navarro, swak na swak!
Vhong Navarro and Lovi Poe

“Tried and tested na si Vhong pagdating ng comedy pero iba siya rito. Noong una, nahirapan siya sa karakter playing Sabrina (bilang babae). Si Lovi naman is a natural comedienne,” kuwento ni Direk Joel Ferrer sa amin.

 
Pagdating sa paggawa ng pelikula, alam ng mga taga-showbiz na bihasa na rin ang Regal Films sa pelikulang comedy na patunay lang na kamada nila ang timpla with the success of the recent blockbuster comedy film na “Our Mighty Yaya” na pinagbidahan ni Ai-Ai de las Alas.
 
One nice thing about Mother Lily Monteverde and daughter Miss Roselle Monteverde of Regal Films ay alam nila ang kiliti ng mga millennials. Hindi sila sarado na as film producers ay sila dapat ang masusunod. They listen and ask around for suggestions kung papaano mag-click ang mga movies nila sa manonood.
 
Showing ang “Woke up like This” sa darating na Wednesday, August 23 sa mga sinehan nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING
ADVERTISING