‘Pag Nawala na ang Kirot ng Puso (‘Till My Heartaches End)

Sabi nga, back to each other’s arms ang isang mag-irog ‘pag nawala na ang kirot ng puso. Ganito nga siguro ang drama ng one of most successful loveteams in Philipine showbiz – ang Kim Chiu and Gerald Anderson tandem.

Heto nga’t sinugod ng ating kamerang-gala ang shooting ng latest Kimerald movie na Till My Heartaches End sa may Recto Avenue sa Maynila, na talaga namang dinagsa ng mga fans. Sa obserbasyon nga ng ating kamerang-gala, mukhang okey na ulit ang loveteam na pansamantalang naghiwalay on-screen (and off-screen?), at nag-enjoy naman ang lahat sa shooting na halos umagahin na sa kalye.

That’s one good news sa die-hard Kimerald fanatics, huh! Kaya naman, enjoy n’yo na lang ang ilang behind the scene stolen shots nina Kim at Gerald… now na!

By Dani Flores

Parazzi Wires Photos

Sugod Shooting
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleCristine Reyes does the “Sleeping Goddess”
Next article‘Di Type si Marian Rivera: Vivian Velez, Puring-puri si Angel Locsin!

No posts to display