‘Pag nag-klik nang husto si Robin Padilla, Wowowee, posibleng masulot na kay Willie Revillame

ADVERTISING

‘Pag nag-klik nang husto si Robin Padilla, Wowowee, posibleng masulot na kay Willie Revillame‘Pag nag-klik nang husto si Robin Padilla, Wowowee, posibleng masulot na kay Willie RevillameBLIND ITEM: BILIB na bilib ang isa naming kausap sa isang hunk na actor. Alam n’yo kumbakit?

“Ginagamit niya ang utak niya. Kaya hindi siya nawawalan ng project, kasi, walang choice ang mga executives, kailangan siyang bigyan.

“Kasi, nu’ng one time, medyo nakainom ang lolo mo, nagdayalog ba naman siya ng, ‘Bigyan n’yo ‘ko ng project, ha? Sige kayo, pag hindi n’yo ‘ko binigyan, makakarating sa mga bossing ang mga pinaggagagawa n’yo!”

Aba, me banta, ‘di ba? Ano ba’ng nangyari? Ba’t gano’n kalakas ang loob ng hunk actor na magbanta? Meron bang nangyaring “hadahan” sa pagitan niya at ng mga bading?

Gano’n?
Puwes, ‘eto na. Magbibigay ako ng apat na letra, at ‘yung dalawa du’n, panggulo lang. ‘Yung dalawa, siyempre, ‘yun ang initials. Ready?

ADVERTISING

O…B…D….G…

JUICE KO, PARA rin palang eleksiyon sa mga social networking sites kung sino kina Willie Revillame at Robin Padilla ang nababagay sa Wowowee.

‘Eto ‘yung tanong na kaya naming sagutin. Siyempre, ang Wowowee ay si Willie Revillame. Pero dahil nagbakasyon si Willie at ilang araw na nating napapanood si Robin Padilla na nagho-host, aba, umaangat ang “like” kesa sa “dislike” kay Robin.

Si Robin, sa pagkakakilala namin, ay hindi naman ipokrita. Action star siya, kaya puwede nang patawarin kung mahina-hina siya sa hosting. Pero kahapon, pinanood talaga namin, ang cute ng “bangayan-eklat” nila ni Pokwang na parang feeling ay siya ang pinakapangit, dahil ‘yung ibang girls ay parang nagpapa-cute si Robin, pero sa kanya ay hindi. Ha-ha-ha! I love it, in fairness.

Sa palagay namin,’ pag natutunan nang mahalin ng sambayanan si Robin, baka makalimutan na si Willie. Kaya kung kami kay Willie, kung kaya pang ayusin, ayusin na niya before it’s too late.

BUKOD KAY VICE Ganda, kami na rin ngayon ang manager ni Marissa Sanchez. Honestly, gusto naming tulungan ang aming kumare na lahat ng aming anak ay inaanak niya. Underrated si Marissa at marapat lang na iangat ang level.

Napanood n’yo na bang umawit at magpatawa si Marissa? Nakakatawa kaya siya. Kurek. Kaya kami, magbabakasakali lang. Malay natin, magkaiba man sila ni Vice Ganda eh, magkaroon din ng direksiyon ang career ni Marissa.

Isa pang inaalagaan namin ay itong parang Porkchop Duo ang dating, si Bentot at si Bentoy na ilambeses na naming kinukuha sa mga raket ay hagalpakan ang mga tao sa katatawa, dahil buhay na buhay ang boses-bata kay Bentot.

Kaya du’n sa mga interesadong i-book ang aming mga alaga sa mga fiesta o concerts, ‘wag mahiya. I-email lang kami sa ogiediaz[at]yahoo.com.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING