‘Oust Willie Revillame!’

ADVERTISING

‘Oust Willie Revillame!’

‘Oust Willie Revillame!’ OA ANG REAKSYON ng mga sawsawero sa “macho dancing” scene na ginawa ng isang bagets na si Jan-Jan sa Willing Willie noong March 12, 2011. Grabe kung maka-react ang mga ito eh, hindi naman pinilit inutusan ang bata na sumayaw ng ganoon. ‘Yun ang talent nung bata at walang malisya sa kanyang gawin ‘yun. Feeling niya, isang “sayaw” lang ‘yon at keri niyang gawin na hindi kaya ng ibang bata na kaedad niya.

ADVERTISING

Nilagyan lang ng malisya ng mga malisyoso, sawsawero at pakialamerong walang magawa  ang macho dancing, pero isang musmos ang sumasayaw at nakadamit naman ito, kaya bakit umabot na hanggang sa ahensya ng DSWD, MTRCB at Human Rights Commission? Dahil sa WW ‘yon nangyari, iisa lang ang tiyak na puntirya ng mga ito, ang comedian-TV host na si Willie Revillame!
Pumila si Jan-Jan upang mapasali sa game portion ng naturang programa. Dahil natural na makulit at bibo, natuwa sa kanya si Willie na alam naman ng lahat kung paano matuwa sa kahit sinong tao. Mas lalong natuwa si Willie sa bata nang mag-macho dancing na ito’t binigyan pa nga ng P10,000. Ganun kapag natuwa si Willie, kaagad ay mag-aabot ito ng kahit magkano lalo pa’t isang bata na nagbigay ng aliw sa kanyang programa. ‘Yun lang ‘yun, mahusay si Jan Jan, bibo, natuwa si Willie na hindi sukat akalaing malalagyan ng kulay ang ginawa ng bata na nagpasaya sa libo-libong manonood ng kanyang programa.

Nakahanap na naman ng butas ang mga nais pabagsakin si Willie. Halos lahat sila’y negatibo ang komento sa nangyari kay Jan Jan na napanood lang nila sa youtube. Mga pangit na komento na iisa lang naman ang tinutumbok, parusahan si Willie, bigyan ng suspension, itigil ang show ni Willie, huwag kastiguhin ang ginagawa ng comedian-TV host na pinaglalaruan ang mga kawawang mga bata.

Natatawa na lang ang mabait na comedian-TV host sa lahat ng puna, banat at tira sa kanya at sa programa niya, ayaw magsalita ni Willie kasi’y ano nga naman ang sasabihin niya? Wala sa kamalayan niya na aabot sa ganito ang isang insidenteng natuwa siya sa bata, sumayaw ang bata, umiiyak ang bata dahil sa tuwa, nagpapalakpakan ang mga tao habang gumigiling siya, pero  habang nangyayari ‘yon, nag-iisip na pala ang mga taong galit kay Willie na uupakan nila ito, na sisirain nila hanggang sa bumagsak!

ADVERTISING

Si Willie kasi ‘yon, kaya bawat galaw niya, nakatingin ang lahat, nag-iisip, naghihintay ng pagkakataong makasilip ng kahit maliit na butas upang wasakin siya!  As it is, marami pa rin ang hindi masaya sa tagumpay na tinatamasa ng mabait na come-dian-TV host. ‘Yun lang!

BLIND ITEM: HINDI pa namin nakukumpirma, pero may nagbulong sa amin na ang tunay na dahilan daw ng hiwalayan ng isang aktres-politician at ng politician lover nito ay lalaki? Diumano, bakla si lalaki at ito ang mainit na usap-usapan sa isang bayan sa North. Siyempre pa, nakara-ting ‘yon sa kaalaman ni aktres-politician, nag-imbestiga raw ito at presto, nalamang totoo nga!
Kasi naman iba ang “friendship” na namamagitan sa lover niyang politician at sa isang mayroon ding mataas na posisyon sa isang bayan dun din sa bandang North. Kakaiba raw ang closeness ng dalawa at minsan nakakalimot sa sarili na may iba pang tao na nakakakita sa kanila, kaya ayun, may nakapansin, may nakakita at may nakaalam ng tunay at lihim nilang relasyon.
Tahimik pa ang bawat kampo at wala pang nagsasalita sa dahilan ng hiwalayan nila, pero wait lang tayo’t isang araw ay magsasalita din si aktres-politician dahil may plano raw itong mag-comeback sa pelikula at telebisyon.
Abangan!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING