‘Married’ issue on Derek Ramsay out, ‘Pregnant’ issue on Andi Eigenmann

ADVERTISING

‘Married’ issue on Derek Ramsay out, ‘Pregnant’ issue on Andi Eigenmann

‘Married’ issue on Derek Ramsay out, ‘Pregnant’ issue on Andi Eigenmann SI MAYOR REYNALDO Castro na nagkasal kina Derek Ramsay at sa non-showbiz girlfriend nitong si Mary Cristine Jolly ay ama diumano ng bestfriend ni Derek na si Martin Castro, according to my source. Hindi raw personal na nagpunta at nagpakasal sina Derek at Cristine sa Balagtas, Bulacan, kundi isang simpleng kasalan lang daw ang nangyari sa Quezon City, na matapos ang ilang buwan ay naghiwalay rin diumano sina Derek at Cristine sa hindi malamang dahilan.
Honestly, hindi naman apektado ang pagkatao at propesyon ni Derek sa nasabing usapin. Wala kaming nakikitang dahilan para masira ang maganda niyang showbiz career lalo pa at hindi naman siya young star na may sweet image.

Sa nakikita namin, mas maaapektuhan ang career ni Andi Eigenmann matapos na umamin ang ina (Jaclyn Jose) na buntis ang aktres.
“Mas nakakatakot ‘yung kay Andi dahil hindi pa siya ganu’n ka-establish para magbuntis. Hindi pa siya Judy Ann Santos at  Claudine Barretto para tanggapin ng publiko kahit may anak na. ‘Yung kay Derek, walang problema bukod sa lalaki siya, never naman siyang nagsinungaling sa nasabing isyu, nagkataon lang na wala namang nagtatanong sa kanya about marriage,” mariin na sabi ng aming kausap.
Sina Derek at Andi ay kapwa nakikiiusap sa publiko na bigyan nang katahimikan. Pero sa tingin namin, mas madaling matatapos ang kay Derek, pero hindi ang kay Andi. Pagbubuntis at anak ang kay Andi, may buhay. Samantalang ang kay Derek ay isang kapirasong papel lang.
Samantala, tinext natin si Derek at tinanong kung ano ang reaction niya sa nasabing usapin at ito ang kanyang sagot:  “Inaayos ng lawyer ko ang lahat ng legalities. In time, maayos ang lahat. Ang importante, hindi kami ni Angel nagpapatalo sa kahit anong issue.”

Simple lang ang gustong sabihin ng aktor, si Angelica Pa-nganiban pa rin ang kanyang mahal.

MARAMI ANG NAGSASABI sa amin na kailangang palitan ni Willie Revillame ang titulo ng bago niyang programa dahil hindi raw ito sing init noon ng Wowowee at Willing Willie.

ADVERTISING

“Maganda at may puso ang show ni Willie, pero sa nakikita ko kapag hindi pinalitan ang title ng show, unti unting manghihina hanggang sa tuluyang mawala,” pahayag iyon ng isang mang-huhula na ayaw ipabanggit ng kanyang pangalan.
Sinabi pa ng kaibigan naming manghuhula, may isang tao raw na laging nasa likod noon ng komedyante, kaya nagbu-boom ang show, itong tao na ito, umalis sa show ni Willie dahil masama ang loob sa kanya.
Sa kabilang banda, handa ang Wil Time Big Time sa bagong programa ni Manny Pacquiao na mamimigay rin ng milyones na makasabay sa timeslot at makatapatan kahit sabihin pa na ang ilan sa mga sponsors ni Willie ay lumipat diumano sa show ng Pambansang Kamao. Born winner si Willie at hindi siya basta mapapabagsak ng kung sino lang.
Tanong: Sa tapatan ng mga show nina Manny at Willie, sino kaya sa kanilang dalawa ang mana-knock-out? Si Willie na laging winner sa eskandalo at demandang ibinabato sa kanya, o si Manny na laging panalo sa boxing? Tsuk!
PINAGTAWANAN LANG NI Claudine Barretto na siya ay nagpa-rehab. Ayon sa aktres, ang nasabing isyu ay gawa lang ng mga taong walang magawa sa kanilang buhay kundi ang makapanira.
Totoo. Isa kami sa hindi naniniwalang nagpa-rehab si Claudine at naglagi siya sa basement ng kung ilang buwan dahil may nagsabi sa amin na kahit hindi napagkikita ang aktres ay dahil mas ginusto nitong manahimik sa bahay kasama ang kanyang mga anak.
Sa kabilang banda, walang balak magdemanda si Claudine sa sinumang nagtsi-tsismis sa kanya ng isyung rehab. Ayon sa aming source, mas gusto raw ni Claudine ngayon ang mag-gain ng maraming kaibigan kesa sa kaaway! Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING