‘KUNG MAY TYPE KANG LALAKE, HUWAG MONG PILITIN!’ – Jobert

ADVERTISING

‘KUNG MAY TYPE KANG LALAKE, HUWAG MONG PILITIN!’ - JobertNAITANONG NGA NAMIN nu’ng Lunes kung bakit on the warpath ngayon ang mga tao. At sa isang sitwasyon na usually-dalawa lang ang involved, dumarami at lumalaki pa ang scope.

Nakausap naman namin si Jobert Sucaldito hinggil sa hamon ng comedian na si John Lapus na idedemanda nga niya ang una dahil sa naisulat nito ang diumano’y pagwawala ng huli sa isang comedy bar.

Inilahad naman ni Jobert ang mga bagay-bagay tungkol sa taong isinulat niya na nag-ngangalang Kiko, na siyang may reklamo sa umano’y pamimilit ni John nang magkita sila sa The Library nu’ng Valentine’s Day kunsaan nagkaroon ng show si John with Phillip Lazaro.

May mga sources si Jobert na nagpaabot sa kanya sa nasabing reklamo ni Kiko na may kasama pang na-record sa nasabing pamimilit sa kanya ni John.

Kaya kung magdedemanda man daw si John kay Jobert dahil sa nasulat niya eh, hindi naman niya ito aatrasan. Hindi naman daw siya ang biktima rito kundi ang lalaking nagsabi na sa tanang buhay niya eh, ngayon lang siya nabastos ng ganito.

ADVERTISING

Hindi raw takot si Jobert, lalo ngayon at may pruweba siya o basehan sa kanyang isinulat.

INISA-ISA NI JOBERT ang mga buwelta sa kanya ni John, at ang hindi nga lang niya nagustuhan doon eh, nang idamay pa nito ang kanyang anak. Nasabi rin ni John sa isang interbyu sa kanya na nakausap daw nito si Peter Musngi at umano’y sinabi sa kanyang ipatatanggal sa radio program niya sa DZMM si Jobert.

“Hindi ko alam kung kelan sila nagkausap. Why didn’t Peter tell me? May clout ba siya (John)? Congratulations kung meron. Am still working for DZMM and it is Peter’s turf. Alam ko naman kung ano ang panuntunan sa programa namin at ang parameters nito. Iniisa-isa niya mag-name drop ng mga tao. From Marian (Rivera) to Wenn(Deramas). Magsama-sama kayo. Kung anuman ang isyu ko sa bawat isa, sa amin ‘yun at hindi siya kasali.

“As a journalist, kung ano ang nakikita ko, nobody can stop me na punhain ito. Ilan sila? Lima? Pati si Dra. Vicki Belo. Ano naman ang iginanda na sabihin mo na nu’ng Valentine’s day, ipinagluto ka ni Hayden Kho ng nakahubad ito?

“We have a thousand and one stars. Isipin na lang niya ang ratio. At saka ano ‘yung sinasabi niya na ilang networking sites ang ginawa para lang sabihin na hate ako. Ang punto lang naman sa isyung ito eh, kung ginawa ba niya ang inirereklamo sa kanya o hindi? ‘Yun lang ang isyu.

“Siya ang may problema sa sarili niya. Simple lang ito. Kung may type kang lalake, huwag mong pilitin. ‘Wag mo sila i-harass. Ayokong one day, may mabasa na lang ako na isang bakla, sinaksak dahil pinilit. Iba-iba ang kagandahan ng mga tao. Baka hindi sila nagagandahan sa ‘yo kaya ‘wag mo pilitin!”

‘KUNG MAY TYPE KANG LALAKE, HUWAG MONG PILITIN!’ - Jobert

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING