‘HINDI AKO NAI-INSECURE KAY KRISTOFFER!’ – JOSHUA DIONISIO

ADVERTISING

‘HINDI AKO NAI-INSECURE KAY KRISTOFFER!’ – JOSHUA DIONISIOHINDI MAN AMININ nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio, sila ang tinutu-rong dahilan kung bakit tinanggal si Kristoffer Martin sa cast ng Nita Negrita. Hindi ba’t nagpuputak sa galit ang manager ni Kris dahil sa pangyayaring ito? Pinagtulungan daw ng dalawang young stars ang guwapong aktor dahil hindi nila feel ito katrabaho. Siyempre, super deny sina Barbie at Joshua tungkol sa issue.

“Wala po kaming pinapatanggal sa cast ni Barbie at saka bakit namin ‘yun gagawin? Hindi naman kami ang producers. Wala rin kaming away ni Kristoffer. Wala kaming tampuhan. Matagal na kaming magkakilala. Noon pang nasa ABS-CBN kami pareho. Magkasama kami noon sa Kung Fu Kids. Mga bata pa kami noon,” depensa ng future chinito hearttrob na si Joshua.

ADVERTISING

“Hindi naman po ako ganoon kalakas sa GMA para magawa ‘yun. Nagtatrabaho lang po kami ni Joshua, kaya please lang , tigilan na ‘yung pang-iintriga sa amin. Hindi na lang namin pinapansin ang mga intrigang ganito dahil noon pang una naming show ‘yung First Time ay ang dami nang binabato sa aming intriga. Hinanda na namin ang sarili namin, kaya hindi na kami naaapektuhan. Alam namin kung ano ‘yung totoo,” katwiran naman ni Barbie.

Lumalabas kasi na super insecure raw itong si Joshua kay Kristoffer tuwing magkakaeksena silang tatlo ni Barbie sa Tweenhearts. Lutang na lutang daw ang kaguwapuhan ni Kris on-screen compared kay Joshua. Sa paningin ng manonood mas mukhang bida pa raw itong si Kristoffer.

“Hindi ako nai-insecure kay Kristoffer. Malakas po ang confidence ko sa sarili. Alam kong solid ang fans namin ni Barbie at hindi kami basta-basta ipagpapalit sa iba. Mas matangkad lang siya sa akin ‘yun ang nakikita kong pagkakaiba namin. Wala ka-ming rivalry na dalawa,” pahayag ni Joshua.

ADVERTISING

Nagpa-power trip na raw ang dalawa dahil sa kasikatang tinatamasa nila sa ngayon?

“Wala po kaming ganu’ng attitude ni Joshua. Never pumasok sa isip namin mag-powertrip. Never naming inisip na sikat na kami. Hindi rin po lumalaki ang ulo ko at never na mangyayari ‘yun. Sobrang ini-enjoy ko po ang pag-aartista at pagtatrabaho, kaya aalagaan ko po kung anuman ang bles-sings na ibinibigay sa akin,” sey ni Barbie.

Inamin naman ni Joshua  na matagal na niyang crush si Barbie. Aniya, “Depende sa tao kung ano ang ibig sabihin ng crush. Merong crush na humahanga ka lang. Meron din ‘yung crush na iba na ‘yung nararamdaman mo, mas malalim na. Humahanga ako sa lakas ng loob niya.”

Malaki rin ang paghanga ni Barbie kay Joshua. “Hindi ako magsasalita ng tapos. Walang makapagsasabi, hindi imposible. Maalaga siya,” papuri pa nito sa ka-loveteam.

‘HINDI AKO NAI-INSECURE KAY KRISTOFFER!’ – JOSHUA DIONISIO

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING