‘Di uurungan si Claudine Barretto: Angelica Panganiban, palaban!

ADVERTISING

‘Di uurungan si Claudine Barretto: Angelica Panganiban, palaban!

‘Di uurungan si Claudine Barretto: Angelica Panganiban, palaban!MARAMI ANG UMAASA sa magandang impluwensiya ni Derek Ramsay sa kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban, na kung papaano niya nakumbinsi ang young actress na makipag-ayos na sa dati niyang nakaalitang si Gretchen Barretto, ay maging dahilan din ang aktor para kumbinsihin niya ulit ang kanyang karelasyon, na huwag na ring sobrang magsalita laban sa kapatid naman ni Gretchen na si Claudine Barretto.

Kasi nga, nakakagulat ‘yung mga pupuwede pang sabihin daw ni Angelica kontra sa wife ni Raymart Santiago, dahil kapag daw nangyari iyon, magreresulta talaga sa isang malaking gulo.

Nakakatakot daw kasi ang pananahimik ngayon ni Angelica matapos na makapagbigay na si Claudine ng kanyang saloobin tungkol sa girlfriend ni Derek. May image na rin kasi ng kaprangkahan at katarayan si Angelica, kaya talagang kung mapo-provoke siya, hindi na nakapagtataka kung buweltahan niya si Claudine ng kung anu-anong salita.  Inaabangan na nga kung ano ang kahahantungan ng alitan nilang dalawa, lalo pa’t ang sister naman ni Gretchen ay walang image sa showbiz bilang palaaway.

Malaking bagay sa pananahimik ngayon ni Angelica tungkol sa gusot nila ni Claudine ay ang tungkol sa pagkakabati nila ni Gretchen. Kahit naman hindi natutuwa ngayon ang girlfriend ni Derek sa wife ni Raymart, isinasaalang-alang niya ang magiging damdamin ni Greta tungkol sa mga nangyayari, dahil kapatid pa rin naman niya ang nasasangkot sa gusot.  Selyado raw muna sa ngayon ang bibig ni Angelica, dahil marami ang nagpapayo na manahimik muna.

ADVERTISING

BLIND ITEM: HINDI nakapagtataka kung bakit maraming naiinggit sa sikat na bading sa showbiz, na tawagin na lang nating gay na friendly (GF). Kasi nga, bukod sa napakayaman niyang negosyante, hindi naman siya mahilig umamin na nakakarelasyon niya ang mga guwapo at sumikat na aktor sa showbiz. Sa tuwing may flavor of the month siyang guwapong bagets na umeentra sa showbiz, kapag kinulit siya ng mga kaibigan niya sa press, ang sagot lang niya ay:  “Wala, friend ko lang siya!”

Kahit bading si GF ay hindi siya bastusin, dahil bukod sa may personality nga siya, ay madatung. Tumutulong din naman siya sa mga baguhan na gustong makilala sa showbiz, kaya lang, parang hindi niya linya ang mag-manage ng mga artista.  Hanggang ngayon ay friendly pa rin ang bading. Once upon a time ay may namataan siyang napakaguwapong binata habang nagda-drive siya ng kotse pauwi sa house niya. Lasing na lasing si bagets, at sumusuka, kaya isinakay niya sa kotse. Nu’ng nasa kahabaan na sila ng Timog Avenue, may namataan siyang isang reporter na friend niya, kaya huminto siya at ipinasilip sa bintana ng car ang guwapong bagets na gulay pa rin sa kalasingan. Sabi raw ng reporter: “Mama, napakaguwapo naman ng bagets na ‘yan? Saan mo siya napulot?”

Dahil may mga bigating kaibigan sa showbiz si GF ay naipakilala niya ang nasabing bagets sa mga pupuwedeng tumulong para sa kanyang pagsikat. Nagtagumpay naman, dahil premyadong aktor na ngayon ang dating bagets, at ngayon ay sikat na sikat na sa isang network. Ang nabanggit na reporter ay yumao na. Ang friendly na gay ay rich, at napaka-friendly pa rin.

Clue: Ang huling binanggit niyang friend lang din daw niya, ay tisoy at napakaguwapong ka-loveteam ng isang sikat na tsinitang young actress. Wala nang clue du’n sa premyadong aktor, dahil napakaguwapo niya, mabait at sikat na sikat pa nga hanggang ngayon, ‘noh!

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING