‘Di na aktibong aktres, nakalusot sa reklamo ng pananakit din sa kasambahay!

IKINUKUNEK NG SHOWBIZ ang umano’y kasong pananakit ni Maricel Soriano sa kanyang dalawang kasambahay sa halos kapareho ring reklamong inihain laban sa ngayo’y hindi na aktibong aktres.

Himalang nalusutan ng “no longer active actress” (NLAA) ang matinding paratang din ng kanyang househelp, kung paanong naareglo ‘yon sa kabila ng pamimiyesta ng media ay tanging ang dalawang partido lang ang nakakaalam.

Minsan nang nagbida ang NLAA, remake ‘yon ng isang pelikulang unang tinampukan ng equally NLAA na may kunek kay Maricel. Pero sadyang nananalaytay sa ugat ng NLAA ang hitsurang artistahin, na minana ng kanyang anak na lalake who can pass for a matinee idol na kakabugin ang lahat, whose first name is a famous Russian novelist!

Pero tila may nakaambang problema kung sakali, “magaan” din daw kasi ang kamay ng bagets tulad ng kanyang madir… that Karen Carpenter (or rather, her bones) might turn in her grave.

Da who ang NLAA? May monarchy ba sa Russia, wala, ‘di ba?

(By Ronnie Carrasco III)