‘Di na aktibong aktor, sa Amerika nagladlad ng kapa!

ADVERTISING

TALAGANG ANG BAKLA, ay bakla, ay bakla! Ang paglaladlad ng isang bading ay namimili lang ng tamang panahon ayon sa kagustuhang paglaladlad ng isang personalidad. Katulad na lamang ng isang napakaguwapong aktor na sumikat dahil sa isang noontime show na mga bagets ang bida. Itago na lang natin siya sa pangalang Michael Jose.  Mabilis tumangkad si actor, kaya nu’ng kasali pa siya sa nasabing show ay larga at kitang-kita na ang kanyang porma, dahil binatang-binata na siya. Para din kasing may lahi siyang banyaga.

Pinagpapantasyahan noon ng mga kababaihan at kabadingan sa showbiz si Michael, dahil bukod sa matangkad siya na brusko ang dating ng kaguwapuhan dahil balbon siya, bakat na bakat lagi ang ipinagmamalaki niyang harapan. Matalino siya, Inglesero at wala siyang tanong na hindi kayang sagutin. Taklesa rin siya na mahilig magtaray. Pero ganu’n lang.  Napansin lang siya, dahil magaling din siyang umarte. Magaling na kontrabida. Pero umaalingasaw noon ang tsismis, na bading daw siya. Hindi niya inamin sa telebisyon, pero sa mga piling kaibigan at pinagkakatiwalaang tao sa showbiz ay ipinapahalata niya na bading siya. Hindi naman siya malamya kumilos sa harap ng kamera, dahil brusko nga siya, kaya hindi naniniwala ang kanyang mga fans na siya ay bading.

ADVERTISING

Unti-unting nawala sa uso ang kasikatan ni Michael, kaya iniwan muna niya ang showbiz at sinubukan ang ibang larangan. Nangibang bansa siya. Ang latest na chicka ay head na siya ng mga roomboys sa isang 3-star hotel sa America.  Pero kakaiba na raw ngayon si Michael, dahil hindi na astig ang mga kilos niya. Bumigay na siya. Bonggadera na siya, dahil nagbibihis-babae na raw ngayon ang dating kontrabida. Kung nami-miss n’yo na siya, dahil nawawala na sa showbiz…  Siya na nga ‘yon. Kuha n’yo?

(By Melchor Bautista)

ADVERTISING