‘Di lang maamin dahil magmumukhang mang-aagaw Bianca Manalo, dyowa na si John Prats!

‘Di lang maamin dahil magmumukhang mang-aagaw Bianca Manalo, dyowa na si John Prats!

 ‘Di lang maamin dahil magmumukhang mang-aagaw Bianca Manalo, dyowa na si John Prats!

MAGDYOWA NA PALA sina John Prats at Bianca Manalo.

‘Yan ang bulung-bulungan ngayon sa ABS-CBN compound. ‘Yan ang bagay na hindi maamin-amin ng dalawa.

At bakit? Well, it’s too early kasi magmumukha nga namang mang-aagaw si Bianca kasi kabi-break pa lang nina John at Rachelle Ann Go.

But our informant told us na wala namang agawang nangyari. It was John who fell in love with the beauty queen kaya nakipaghiwalay siya kay Rachelle.

Actually, nahihiya raw na aminin ni John na dyowa na niya si Bianca dahil na rin sa kanyang ex-girlfriend. Wala kasi siyang maipipintas kay Rachelle at wala itong pagkukulang in the months that they were together. It was he who is at fault. Na-fall out of love siya and found love again kay Bianca.

 

SA TEASER NG Maria La del Barrio, maraming halikan ang naganap between Erich Gonzales and Enchong Dee. May eksena pang topless ang young actor at kitang-kita ang kanyang abs.

Tsika ni Enchong when asked kung paano siya nag-prepare for his role as Luis Fernando, iniwasan niya ang pagkain ng kanin.

“Sa first part, ma-rice. Habang tumatagal, tumi-tindi ang role, kumokonti ang rice,” sabi niya.

“Tapos steamy na… steamy rice!”

‘Di lang maamin dahil magmumukhang mang-aagaw Bianca Manalo, dyowa na si John Prats!

Sobrang grateful ang dalawa sa suportang binibigay sa kanila ng Dos at ng kani-lang fans.

“We’re very happy kasi ‘yung cast po napaka-supportive nila. Team po kami dito. Basta pinagbubutihan namin ang trabaho namin. We’re having fun,” say ni Erich.

“Makikita naman ng tao na siguro noong nagsisimula kami, relax pa. Pero habang dumadami ang proyekto, mas kinakabahan kami. Tapos ‘eto, ie-expect nila na talagang napakaganda, kaya may pressure talaga,” sabi naman ni Enchong.

Natanong kung bakit may mga eksenang may suot na korona si Erich.

“Si Thalia kasi talagang nakakorona ‘yon. Ginawa na lang naming back story ang koronang ‘yon,” esplika ni direk Rory Quintos.

 

BLIND ITEM: ISANG kapitbahay ng isang aktres na nagtatrabaho sa isang mall ang nakatsika namin at sinabi niyang totoo naman daw na may anak na ito. At medyo malaki na raw ang bata, mga five to six years old na raw.

Tinanong namin kung ang ex-boyfriend ng aktres na isang modelo ang ama ng bata, pero hindi raw. Non-showbiz daw ang guy na ngayon ay nakatira na sa abroad.

May natsika naman kaming ma-nager ng isang sikat na boutique at naikuwento nito ang kamalditahan ng aktres. Minsan daw, sa isang outlet nila sa isang malaking siyudad, kasama ng aktres ang kanyang baklitang alalay. Papasok sana ang baklita sa boutique pero pinigilan ito ng aktres at pa-taray na sinabing ‘wag kang pumasok ‘dyan.’

Da who ang aktres? Naku, kilalang-kilala siya ng isa pang aktres na may magandang puso! ‘Yun na!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas