Zubiri, Sunod na Kakasuhan ng DoJ

ISASAMA NA RIN sa susunod na kakasuhan sa Department of Justice (DoJ) si resigned Senator Juan Miguel Zubiri.

Ito ang nabatid sa Comelec-DoJ panel, matapos sabihin ng isa sa mga resource person ng lupon ang bahagi ni Zubiri sa nangya-ring dayaan.

Una rito, ipinagharap na ng reklamong electoral sabotage sina dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dating Unang Ginoo Mike Arroyo, dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, dating Comelec Commissioner Necodemo Ferrer at marami pang iba.

Ayon kay Sen. Koko Pimentel, si Zubiri kasi ang naging benipisyaryo ng naging dayaan sa eleksyon noong 2007 kaya malaki ang posibleng naging papel nito sa poll fraud.

Naniniwala naman ang lupon na malakas ang kanilang hawak na ebidensiya dahil sa magkakatugmang salaysay at dokumento mula kina dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol, dating Maguindanao administrator Norie Unas, dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan, election supervisors Lilian Radam at Yogie Martirizar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.