Zsa Zsa Padilla, wala pang alam sa pagpapakasal ng anak na si Karylle kay Yael Yuzon

Zsa-Zsa-PadillaLABIS-LABIS ANG pasasalamatat saya ni Zsa Zsa Padilla sa commemorative stamps ni Tito Dolphy na nilabas ng postal office para magbigay-pugay sa kontribusyon at naiambag ng Comedy King sa industriya. Hindi man nahirang bilang National Artist, malaking karangalan na rin ang pagkilala na ginawang ito para sa dating live-partner.

Amiando na hanggang sa ngayon ay ‘di pa rin talaga nakamu-move on sa pagpanaw ni Tito Dolphy, kamakailan nga habang nagsu-zumba at tumutugtog ang isang awiting Pamasko, nalungkot na naman siya at naalala ang aktor. Hanggang sa ngayon, wala pa rin silang kinakabit sa bahay na anumang Christmas decors na lalo lang nagpapatindi ng kalungkutan, hindi lang sa Divine Diva kundi sa mga anak nila. Sa Las Vegas nga magseselebra ng Kapasukuhan ang aktres para makasama ang mga kapamilya roon.

Sa maugong na bali-balita naman na sa Marso na susunod na taon na raw ang pagpapakasal ng anak na si Karylle sa boyfriend nitong si Yael Yuzon, hindi naman magkapagsalita si Zsa Zsa, kung saan ayon sa kanya ay nasa tamang edad na ang anak para magdesisyon para sa kanyang sarili. Nakikita naman niya na masaya ang dalawa sa piling ng bawat isa, pero sa ngayon ay wala pang sinasabi sa kanya ang anak tungkol sa balitang ito.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.