Zsa Zsa Padilla, suportado si Dolphy all the way

ZSA ZSA PADILLA, tinanggap nang walang pag-aalinlangan ang buong pagkatao ni Dolphy, pati na rin ang buong pamilya nito. Through the years, pinatunayan ng Divine Diva ang kanyang unconditional love sa Comedy King. Ilang beses na palang tinangkang magpakasal nina Dolphy at Zsa Zsa.

“Maraming beses na nga, naunsiyami, napurnada nga. Ayos na, nagkagasta na kami, dollars pa man din pero hindi na kami interesado. Tutal, after more than 20 years, ‘yun na rin ‘yun. Basta ang importante, nagkakasundo kami,” seryosong sabi ni Pidol sa presscon ng kanyang pelikulang Father Jejemon na entry sa Metro Manila Film Festival.

Ngayon, buong-pusong ipinagkatiwala ni Mang Dolphy kay Zsa Zsa ang RVQ Productions as a producer ng kanyang pelikula. “I think ‘yung fullfilment talaga naiiba mula nu’ng naumpisahan, nagbabatuhan palang ng idea. Na-hospital si Dolphy. Physically hindi talaga siya makapirma kaya kinailangang ako ang tumayo to take his place. Tinuluy-tuloy na namin siyempre…” ani Zsa Zsa.

Itutuloy-tuloy na kaya ni Zsa Zsa ang pagiging producer after Father Jejemon ni Pidol? “Sana naman, kasi ‘yung mga artista, saan naman mapupunta? ‘Yung passion namin sa aming craft, kung hindi sa pelikula. My dream actually is to produce an indie, ‘yung mas maliit na budget lang. Ang nangyari, naging full time itong pelikula.”

Inamin ni Zsa Zsa, gusto niyang mag-produce ng indie film, another Dolphy movie ba ito? “Hindi ko pa alam, wish nga namin, sana hindi ito ang maging last full length, sana tuluy-tuloy. Siyempre, because of his age he can’t, ano… but we have other project in mind.”

Sabi nga ni Mang Dolphy, retired na raw siya pero kapag may magandang project na dumating, hindi pa siya magri-retire. “Oo nga, hanggang kakayanin niya gagawin niya, tignan natin,” sambit ni Zsa Zsa.

May nagsabi kapag hindi raw nagtatrabaho si Mang Dolphy, lalong nanghihina ang pakiramdam nito. “Totoo ‘yan, sabi nga niya nu’ng nag-launch siya ng album, ang tao raw parang sasakyan kapag nahihinto ay humihina ang takbo. So, ‘yun din ang feeling niya parang ang buhay niya, passion for working.”

Ibinigay na raw ni Mang Dolphy kay Zsa Zsa ang RVQ Production, how true? “Hindi naman, RVQ talaga is Dolphy and as you can see. Ang trademark ng RVQ from the poster, makikita mo, ‘di ba? Signature niya ‘yung caricature, ‘yung logo. ‘Yung rekado ng pelikula is the signature of Dolphy. May social relevance, nakikita ito. Maraming makaka-relate dito dahil sa maliliit na lugar sa ating bayan na may nangyayaring ganito, hindi ba? Parang naaabuso ‘yung mga taong bayan ng nakaupo sa gobyerno.”

As long na gusto pa ni Mang Dolphy na gumawa ng pelikula, susuportahan pa rin siya ni Zsa Zsa. “Kung gusto pa niya. Kung papayagan siya. Kung maganda ang health niya. Oo.”

Sa dami ng ginagawa ni Zsa Zsa, may time pa kaya siya sa kanyang career as a singer- actress? “Actually, right now I’m not accepting so many project. I have ASAP every week so that’s what keeping me busy plus this one (movie) para makapag-concentrate ako. And I think, especially this Christmas season, I’m just glad nandirito ‘yung ibang kids namin like my daughter here from Australia so, I have more time for my family. There is something you cannot replace if you feel… I guess, I’m a Mom and a housewife and also a working mom. Naggo-grocery, nagluluto… ganyan, lalo na ang Filipino Mom. I’m sure Filipino Mom sobra, natin nirerespeto. Parang superwoman ang ating mga Mama so, siguro nakuha ko ‘yun sa Nanay ko.”

Message ni Zsa Zsa kay Mang Dolphy. “Sobra-sobra ang passion ni Dolphy sa kanyang craft and kami ay napapahanga. Ako, partner mo na for 21 years, napapahanga mo ako sa iyong dedication sa trabaho. Thank you for continue to inspire us. Thank you for Father Jejemon in this film.”

Sagot naman ni Pidol, “Sa-amat. Ikaw na rin ang ibinigay sa akin ng Panginoon.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Zsa Zsa Padilla, suportado si Dolphy all the way

Leave a Reply

Your email address will not be published.