Zsa Zsa Padilla, sunud-sunod ang dating ng pagsubok

KAHAPON NAKAALIS sina Zsa Zsa Padilla kasama ang anak niyang si Zia at si Dra. Vicki Belo.

Parang angel ang turing ni Zsa Zsa kay Vicki na nagkumbinsi sa kanyang magpa-check-up ito sa Amerika dahil sa bukol na nakita malapit sa kidney.

Sabi ni Zsa Zsa, parang polyp daw ‘yun na tumubo na parang kasinlaki na ng pingpong ball. Hindi naman daw ‘yun malignant dahil noon pa raw ‘yan na tingin niya inborn na yata. Kaya lang hirap na siya dahil masakit daw na kailangan niyang ipa-check-up at makakuha ng second opinion kung kailangan bang operahan.

Wala naman daw dapat ika-worry dahil sanay na rin naman daw siya sa operasyon, pero ang medyo naapektuhan nang husto ay si Karylle.

Nang kinuwento raw niya ito kay Karylle, iyak daw ito nang iyak dahil iniisip daw niyang katatapos lang nilang magbantay kay Dolphy, baka ang Mommy na naman daw niya.

Kuwento ni Zsazsing; “Siyempre siguro naisip n’ya na what if i lose my mother, ‘di ba? What if i lose a parent, parang ganu’n. Actually when I discuss with her over the phone, she was taping. ‘Yes’ ganu’n siya nang ganu’n. Sabi ko, why you keep saying that? Because I don’t know what to say, and biglang umiyak siya talaga. I think it really hit her na, oh my God, she could really be sick. Kasi ‘pag sinabi mong ope-rahan ako, hindi naman bago ‘yun sa pamilya ko, eh.”

Kaya humihingi pa si Zsa Zsa ng dagdag na dasal, kahit marami pa raw tayong dapat ipagdasal, pero nakikihingi na rin siya dahil sa mga pinagdaanan nila.

Mabuti at nandiyan si Vicki na sobra ang concern sa kanya, na sasagot nang pagpapa-check-up ni Zsa Zsa.

Kasabay na rin ng pagpunta nila roon ay i-launch ng Belo Medical Group ang bagong ZO Line nila ng Obagi na ini-endorse ni Zsa Zsa.

Doon na rin si Zsa Zsa sa 40th day ng kamatayan ni Dolphy. Meron daw paghahanda roon ang mga anak ng Comedy King, kaya makikisama na lang daw si Zsa Zsa.

 

SUCCESSFUL ANG blood-letting program ni Marian Rivera nu’ng kamakalawa ng hapon na ginanap sa Ever-Gotesco Commonwealth.

Bahagi ito ng selebrasyon ni Marian ng kanyang 28th birthday, sa tulong na rin ng Philippine National Red Cross.

Matagal nang sinasabi ito ni Marian na gusto niyang makipag-coordinate sa Red Cross para meron naman daw siyang makabuluhang proyekto sa kanyang kaarawan.

Ang dami raw nag-donate ng dugo at pati mga kaibigan niya sa showbiz ay dumating para magbigay ng entertainment sa mga pumunta.

Nakunan du’n ng Startalk ang ilan sa mga dumating na ang Down to Mars na grupo, si Betong Sumaya, at si Rocco Nacino.

Alam ko, meron pang mga nagdati-ngan, at ikukuwento ‘yan ni Marian.

Kahapon talaga ang birthday ni Marian, at sinelebreyt niya ito sa Party Pilipinas.

Pagkatapos nu’n, nagsimba raw sila kasama ang pamilya niya at si Dingdong Dantes. Kinagabihan ay nag-dinner lang kasama ang mga close friends, at pagkatapos daw ng Protégé ay nagkita na sila ni Dingdong.

Bago pa itong blood-letting activity niya sa Red Cross nu’ng Sabado, tumulong pa si Marian sa pamimigay ng relief goods sa mga nabahaan.

Ang alam ko, marami siyang napuntahan pero ayaw na niyang ikuwento pa dahil mas gusto niyang tahimik lang at hindi na kailangang ibalita pa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

12 thoughts on “Zsa Zsa Padilla, sunud-sunod ang dating ng pagsubok

  1. hindi ako kakarmahin kasi hindi ako nang agaw ng lalake lalo na yong may ka live in na at wala rin akong iniwang anak para sumama sa ibang lalake. si zsansang dami ng bukol lalo na doon sa puke nya hingi ka isa.

      • Palibhasa yung mga hindi sikat na artista walang media na gustong ecover ang pagtulong kaya inggit ang dalawang vesayang ito.

      • tama ka diyan, super inggit ang mga iyan, dahil wala silang katuturan dito sa earth, di tulad ni MR, lakas ng convincing power para manghikayat ng mga tutulong.

      • hahahaha..tirador ka nga, pero I dont mind being called Bisaya, kc bisaya naman talaga ako…:)

  2. pagkatapos ng mga pagsubok, sunod sunod na ang mga blessing kay ate zsa zsa. 

    si marianita naman, bait baitan ate? hahahahahahahaha

    • insecure ka na naman kay MR, inday! ganyan talaga ang life, huwag masyadong inggitera, para makatanggap ka ng blessings.

Leave a Reply

Your email address will not be published.