Zsa Zsa Padilla, personal na inaalagaan si Dolphy

IN 28 YEARS ni Zsa Zsa Padilla in showbusiness, ngayon lang hindi nag-celebrate ang Diva Queen. Priority kasi niya ang kanyang pamilya, lalung-lalo na si Mang Dolphy na kailangan ang personal na pangangalaga ng singer-actress.

May tsika na malubha na raw ang kalagayan ng Comedy King na agad naman pinabulaanan ni Zsa Zsa.

“No. Siyempre, when you compared to his health before, ‘di ba? He has aged. Kumbaga, kita na ‘yung edad niya,” aniya.

‘Yung intrigang pinagtatrabaho pa rin ni Zsa Zsa si Mang Dolphy kahit may karamdaman na ito?

“Hindi naman. It’s just because he love it. Now, with his TV5, si Eric Quizon ang director niya. He’s based in Hong Kong. Kapag nagte-taping sila, nakaka-two episode sila in one taping. Tapos ang ginagawa nila, 2 or 3 times a month.”

Apektado ba ang singer-actress sa ganitong intriga?

“Sa umpisa lang, pero kung talagang iisipin mo naman ‘yun, nagtatrabaho rin naman ako. So, I don’t have to be on the depending side, I guess.”

Mas malakas pa raw kumita si Zsa Zsa kesa kay Mang Dolphy?

“Hindi naman, mas active lang, mas kita. Siguro, mas station wide ang ABS-CBN than TV5. Some people think, anong ginagawa ngayon ni Mang Dolphy? Naka-limutan nila ‘yung Pidol’s Wonderland. Siyempre, nag-uumpisa pa lang ‘yung istasyon.”

Masaya ang pamilya ni Zsa Zsa sa pagkakapanalo ni Mang Dolphy bilang Best Supporting Actor for Rosario at Best Actor para sa Father Jejemon last film festival.

“Oo nga. Unfortunately, just leave it to experience, ganyan talaga. Whatever it is, siyempre, as a producer, you take a gamble, right? Some project you win, some project you don’t. It’s just a learning process, gano’n talaga.”

Pakunsuwelo lang daw ang pagkakapanalo ni Mang Dolphy?

“Pakunsuwelo for what? I don’t wanna say anything. It did not even enter our minds. We are not at all affected by that.”

Hindi rin daw deserving manalo ang Comedy King sa Rosario dahil nag-voice over lang ito.

“Narration is not just a narration. There is voice acting, there is feeling on it. I can read you something but it wouldn’t mean anything. Sa tagal namin sa showbiz, hindi na nakakasakit ito, kasi, wala na itong kuwenta. At saka alam mo ‘yung totoo sa hindi, ‘di ba? So, better luck next time, kami din naman natatalo.

“Si Dolphy rin naman, natalo sa ilang years niya sa showbiz. Sixty years niya sa showbiz, may ilan din namang natalo siya. Hindi naman lahat, ikaw ang panalo. We we’re so very happy that it was a double victory, talagang surprising.”

What else can you offer?

“Now, I’m working on an album. I’m writing some of my materials. I’ve done three songs so far, may isang pending akong demo kay Homer (Flores), gagawan niya ng areglo,” pagtatapos ni Zsa Zsa.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.