Zsa Zsa Padilla, nakatakda nang operahan!

SA AUGUST 28 na raw ang schedule ng operasyon kay Zsa Zsa Padilla para matanggal itong polyp sa kidney niya na malignant pala.

Dumating dito si Dra. Belo na sinamahan si Zsa Zsa na nagpa-check up doon sa Amerika. Pero babalikan daw niya ito bago operahan.

Balak pa sana ni Dra. Belo na dalhin si Zsa Zsa sa Germany pagkatapos ng operasyon para sa stem cell therapy pero hindi raw puwede kaya ba-balik na siya rito sa Pilipinas para magpagaling.

Malumanay si Zsa Zsa kapag kausap mo at nakitaan mo raw talaga na matibay ang loob nito. Kaya naman kahit si Zia na kasama nito sa Amerika ay okay na rin kahit sobrang apektado ito sa kalagayan ng Mama niya.

Ang talagang apektado nang husto raw ay si Karylle. Nu’ng kinausap daw siya ni Zsa Zsa, okay lang daw ito nang okay. Pero bandang huli umiiyak na raw ito nang husto.

Pero ngayon parang okay na si Karylle at maayos naman siya sa mga interview, dahil humuhugot din siya siguro ng lakas sa mama niya.

Kaya nga sabi ni Zsa Zsa, alam niyang marami rin tayong problema at kailangang ipag-darasal pero humihingi pa rin siya ng dasal na malagpasan niya ito.

Susubukan ng Startalk na makausap si Zsa Zsa over the phone. Pero abangan n’yo ang interview ni Ricky Lo kay Dra. Belo para ikuwento niya ang check-up doon ng singer/actress sa Amerika at kung paano niya ito tinanggap.

 

NAGKUWENTO RIN si Ogie Alcasid sa presscon ng I Do Bidoo Bidoo na nakaka-text daw niya si Zsa Zsa at okay naman daw ito.

Nakakatuwa nga raw si Zsa Zsa dahil kinukumusta pa rin daw ang promo ng pelikula nila. Gusto man daw sana niyang humabol sa premiere night nito sa August 28, pero naka-schedule na nga ito sa operasyon niya kaya malabo talaga.

Sinasabihan lang daw siya ni Ogie na magpagaling na lang ito at huwag nang alalahanin ang pelikula nila dahil maganda naman ang feedback.

Kuwento nga ng mga reporters na napanood na itong I Do Bidoo Bidoo, maganda raw ang pelikula at sana nga tangkilkin ito ng lahat para mag-hit naman ang musical film na atin talaga. Lalo na’t naging hit naman ang mga kanta ng APO Hiking Society.

Sana nga suportahan nang husto ang pelikulang ito na magsi-showing na sa August 29.

 

PAGKATAPOS NITONG I Do Bidoo Bidoo, naka-schedule na ang bakasyon ni Ogie kasama ang buong pamil-ya niya sa Singapore.

Doon sila magkikita ng mga anak niya kay Michelle Van Eimeren na sasama rin pati ang asawa nitong si Mark Murrow.

Doon pa lang daw makikita ng mga anak niyang sina Sarah at Leila ang kapatid nilang si Baby Nate. Kaya excited din ang mga bata dahil makakasama na nila ang baby brother nila.

Bakasyon lang daw sila roon, at excited silang lahat dahil after how many years, magkakasama sila uli.

Malaking pamilya raw sila na magliliwaliw sa Singapore.

Bongga na ‘yun!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Zsa Zsa Padilla, nakatakda nang operahan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.