Zsa Zsa Padilla, may bago nang boyfriend

Gabby-Concepcion-Ogie-Diaz-Zsa-Zsa-Padilla-Gina-ParenoZsa-Zsa-Padilla“UY, ‘PAG nagkita naman kayo ni Zsa Zsa Padilla sa taping ng Dyesebel, ask mo naman siya kung totoong me boyfriend na siya.”
Hindi lang isa, kundi ilan na ang nagtatanong sa akin nito. At hindi naman namin alam kung ano’ng isasagot.
Pero dahil magkasama kami sa Dyesebel, eh saka ko lang naalalang itanong ito ke Ms. Zsa Zsa nu’ng maunang magtanong ang gumaganap na nanay niya sa Dyesebel na si Tita Gina Pareño.
“Ma, ano nga ba ang totoo? Me lovelife ka na ba ule?”
‘Yun na. Nangiti na si Zsa Zsa at inamin naman agad niya na meron na nga siyang boyfriend.
Ang ganda ng kwento ng kanilang unang pagkikita ng non-showbiz star architect na bagong apple of the eye ngayon ni Zsa Zsa.
58 years old na ito, matanda sa kanya ng 8 years. Meron itong dalawang malalaking anak at 8 years nang “single”.
Pero hanggang doon na lang ang aking kuwento, dahil baka magalit na sa amin ang aktres.
Ang importante, happy ngayon si Ms. Zsa Zsa, dahil dalawang taon mula nu’ng mamatay si Tito Dolphy, ‘pag walang work ay nagkukulong lamang daw siya sa kwarto.
Kahit daw hinahatak na siya ng mga anak niya na lumabas ay wala talaga siyang gana.
Aminado ang singer-actress na hindi pa rin siya maka-move on sa pagkawala ni Tito Dolphy na more than 2 decades niyang nakasama.
Pero sa bagong lovelife niya ngayon ay si Tito Dolohy na rin daw ang naramdaman niyang tumutulong sa kanya para maka-move on siya.
Habang nagkukuwento nga si Ms. Zsa Zsa ay kilig na kilig naman kami ni Tita Gina, hahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

6 thoughts on “Zsa Zsa Padilla, may bago nang boyfriend

  1. Syempre naman young pa rin, sexy at maganda pa rin si Zsa2,what we do expect eh di syempre makakatagpo pa rin yan ng bagong pag ibig, byuda naman na sya karapatan din nyang mulling maging maligaya,at least matured na rin yung guy at hindi super bata ang trip ni Ms Z. Stay happy lang!.

  2. I am excited na marinig ang love story nila ni Architect Conrad.Please dont judge Zzp she deserves to be happy and be inlove again.Di naman sya nagtaksil kay sir Dolphy eh,minahal nya rin to ng wagas at napatunayan nya ang pagmamahal nya rito kaya wag natin ipagkait sa knya tong kalagayan nyang to.Sna one day mging open si Ms Z to tell it to the public about her knight shining armor

  3. ang plastic… kunyari pa nung pagkamatay ni dolphy,ilang taon na nagluluksa pa rin daw pero lumabas din ang totoo…aringkingking pala hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.