Zsa Zsa Padilla, masayang-masaya sa pagpapakasal nina Karylle at Yael Yuzon

Zsa-Zsa-PadillaMASAYANG-MASAYA SI Zsa-Zsa Padilla sa nalalapit na pagpapakasal ng anak na si Karylle kay Yael Yuzon. Bilang isang ina ay maligaya ang Divine Diva na makitang masaya ang anak sa pakikipagrelasyon nito.

Naikuwento ni Zsa-Zsa na magkasama sila ni Karylle noong Valentine’s Day. Dumalaw sila sa puntod ni Dolphy at nang makapag-usap sila ng anak ay sinabi nito sa kanya na masayang-masaya siya ngayon.

Excited ang lahat lalo na ang kanilang pamilya, uuwi ng bansa ang ina ni Zsa-ZSa at ang matalik niyang kaibigan para saksihan ang pagpapakasal nila Yael at Karylle.

 

KAPANSIN-PANSIN ANG pagiging malamig nina Vice Ganda at Karylle sa It’s Showtime. Kung dati ay naglolokohan pa bilang magka-loveteam, ngayon ay halata ang pag-iiwasan at ni hindi makuhang tumingin at makipag-eye to eye contact nina Karylle at Vice sa isa’t isa. Isang malaking tanong sa lahat kung ano ang rason ng tampuhan ng dalawa pero lumalabas ang pangalan ni Yael dito.

Bago pa man pumutok ang balitang ito, nakausap namin si Karylle at hiningan namin ng reaksyon tungkol sa pagpapakasal nila ni Yael, isang catholic wedding ang magaganap sa darating na Marso. Kumpirmado na isa sa Ninong ay ang kasama sa It’s Showtime na si Kim Atienza. Ayon kay Karylle, bukod sa matagal na niyang kasama sa nasabing show ang TV host, nakita niya kung gaano kabuting ama at asawa si Kuya Kim.

Tikom pa ring magbigay ng detalye tungkol sa nalalapit na pagpapakasal pero kita namin ang kaligayahan ni Karylle sa bagong estadong papasukin sa buhay.

 

PARA KAY Iya Villania-Arellano, wala siyang nakikitang nabago sa samahan nila ng asawang si Drew Arellano dahil bukod sa kilalang-kakilala na nila ang isa’t isa, bago pa lang silang mag-asawa at wala pa namang mga desisyon, conflict na susubok sa pagsasama nila bilang mag-asawa.

Natutuwa lang na iba ang status niya mula sa pagiging single ay married na siya ngayon, sa kabila nito ay masasabi naman ni Iya na ganu’n pa rin sila ni Drew at masasabi lang niya na mas lumalim ang pagmamahal nilang mag-asawa.      Dalawa o tatlong taon pa ang hihintayin bago magkaanak, pero para kay Iya, kung saka-sakaling mabuntis siya ngayon, tatanggapin nila ito nang buong puso.

Nagselebra ng Valentine’s Day sa kauna-unahang pagkakataon bilang mag-asawa, sa Batanes nag-Valentine’s ang dalawa kung saan ayon kay Iya ay sumabit lang siya sa trabaho ng asawa. Ikinuwento sa amin ni Iya na sa Batanes pala talaga nila gusto sanang magpakasal pero dahil sa budget, logistics at ‘di nila kontrolado ang panahon sa nasabing lugar, pinili na lang nila ang Tagaytay.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Zsa Zsa Padilla, masayang-masaya sa pagpapakasal nina Karylle at Yael Yuzon

Leave a Reply

Your email address will not be published.