Zsa Zsa Padilla, malaki ang pag-asang gumaling

NAKAALIS NA patungong Amerika si Dra. Vicki Belo para samahan si Zsa Zsa Padilla na magpapa-opera roon.

Nilinaw ni Vicki na hindi siya ang magbabayad ng surgery ni Zsa Zsa. Ang alam ko lang, siya ang sumagot sa pagpapa-check up pero ang pagpapa-opera ay gastos na ito ni Zsa Zsa.

Pero tingin ko riyan, marami naman ang tutulong sa kanya dahil marami ang concerned sa pinagdaraanan ngayon ng singer/actress.

Ang dinig ko nga tumulong si Kris Aquino na makakuha ng US visa si Karylle para samahan ang Mommy niya sa hospital.

Si Kris din daw yata ang bumili ng ticket ni Karylle.

In fairness naman kay Kris, maaasahan mo itong kaibigan lalo na pagdating sa pangangailangan.

Close naman talaga sina Kris at Zsa Zsa kaya ganu’n na lang ang concern niya na malagpasan ito ng bestfriend niya.

Sabi ni Dra. Belo, mga 7 days daw ang recovery period ni Zsa Zsa pagkatapos ng operasyon.

Babalik daw agad si Zsa Zsa rito sa bansa para rito na magpapaga-ling.

Ang payo raw ng doktor niya, dapat mga two months muna itong magpapahinga para tuluyan siyang gumaling.

Wala naman daw dapat ipag-alala kay Zsa Zsa dahil stage one pa lang naman ang cancer nito sa kidney.

Sabi raw ng doktor, mga 90 percent daw sa mga pasyente ang tuluyang gumagaling kaya sana tulungan naman nating ipagdasal si Zsa Zsa na malagpasan niya ito .

Sa totoo lang, sa gitna nang pinagdaraanan ngayon ni Zsa Zsa, inaalala pa nito ang pelikula niyang I Do Bidoo Bidoo na magsu-showing na. Gustung-gusto pa naman nitong sumama sa premiere night sa August 28.

 

KUNG NAPANOOD ‘nyo ang Startalk nung Sabado, naawa rin si-guro kayo kay Susan Fuentes na hirap na hirap din sa sakit niya sa kidney, pagkatapos nitong magpa-transplant.

Sa mga hindi nakakilala kay Susan Fuentes, siya ang itinuturing na Queen of Visayan Songs na nagpasikat sa awiting Usahay at Miss Kita Kung Christmas.

Matagal na pala itong nakaratay sa sakit niya sa kidney at wala na ring pinagkakakitaan kaya umaasa lang ito sa tulong ng mga kaibigan niya para may pantustos sa gamot niya na anti-rejection.

Isa sa tumutulong sa kanya ay si Dulce pero siyempre, hindi naman sapat ang tulong ni Dulce dahil malaki nga ang gagastusin nito para sa kanya.

Naka-schedule na nga itong operahan kaya kailangan nila ng malaki-laking halaga pambayad nito sa hospital.

Kaya naisipan ni Dulce na magpa-benefit concert na naka-schedule na nga sa Martes, August 28 sa Zirkoh.

Nang nanawagan si Dulce sa mga kapwa singers na tumulong, ang daming nag-volunteer na sasali para mag-perform sa show na iyun ng libre.

Nakakatuwa raw dahil ang dami nang nag-comit kaya malamang na mahaba-habang show ito na sasalihan ng mga kilalang singers.

Ang ibang singer daw na hindi puwede sa araw na iyun, nagpadala na lang daw sila ng tulong para kay Susan.

Kaya umiiyak ang Visayan singer na nagpapasalamat sa lahat na tumulong sa kanya.

Pero ang tanging hiling lang pala nito ay sana dalawin man lang daw siya ng kanyang dalawang anak na matagal na niyang hindi nakikita.

Hindi naman daw siya umaasang tutulungan ito sa mga gagastusin sa hospital. Ang gusto lang daw sana niya ay makita niya itong mga anak niya.

Kaya umiiyak ito sa Startalk na nanawagan sa mga anak niya

na sana dalawin naman daw sana siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.