Zsa Zsa Padilla, kahanga-hanga ang pagmamahal kay Dolphy

SA MGA PANAHONG ito ng buhay ng Comedy King na si Mang Dolphy, kung saan ay sa kanyang bibig na rin mismo nanggagaling ang mga salitang nahihirapan na siya sa kundisyon ng kanyang kalusugan, doon naman mas lalong marami ang humanga sa katatagan ng pagmamahal sa kanya ng live-in partner niyang si Zsa Zsa Padilla. Kasi nga, sa panahon ng relasyon nila ni Zsa Zsa, sumapit ang maraming beses at paulit-ulit na pagkakasakit ni Pidol, dahil na rin sa kanyang edad.

Siyempre naman, napakayaman ni Mang Dolphy nu’ng mga panahong marami pang babae ang laging nali-link sa kanya.  Napakasipag kasing artista ng Comedy King, kaya talagang nakapag-ipon siya ng pera. Kaya naman sa tuwing mayroong sino mang babae na napakabatang artista na napapaugnay sa daddy ni Eric Quizon, napag-iisipan na huhuthutan lang ang sikat na komedyante. Kasama na si Zsa Zsa sa dati-rati ay kinukuwestiyon kung hanggang kailan ang pagmamahal kay Pidol.

Kaya lang, mayroong mga napatunayan si Zsa Zsa. Una sa lahat, isa siyang napakahusay na singer, at halos walang pahinga ang career, kaya mayroon siyang sariling kinikita. Unti-unting nakuha niya ang res-peto ng maraming tao, na hindi ang kayamanan ni Mang Dolphy ang dahilan ng pagmamahal niya sa Hari ng Komedya. Sa mga panganib ng karamdaman ni Mang Dolphy, hindi siya iniwan ni Zsa Zsa. Kaya hindi nagkamali si Mang Dolphy sa sinabi niya noon, na matanda na siya, kaya baka si Zsa Zsa na ang huling babae sa kanyang buhay.

TALAGA NAMANG HINDI nakatulong sa pag-angat ng movie career ni Mark Herras ang pagkaka-link niya kay Ynna Asistio. Kasi nga, nagsisimula pa lang ang young actress sa kanyang pagpapakilala sa showbiz, at wala pa talaga siyang marka, kaya nahila niyang pababa ang popularity ng alaga ni Manay Lolit Solis. Ano rin naman ang silbi na parang nagiging tagapayo sa career ng binata si Nadia Montenegro, samantalang napakahusay na talent manager ni Manay?

Mabuti naman at si Manay Lolit na rin ang nakapansin, na napag-iiwanan na nga ng ibang mga baguhang artista ng GMA-7 si Mark. Si Manay kasi, hindi siya magsasalita ng ganyan para kay Mark kung hindi pa siya nasasagad at hindi niya iyon nararamdaman. Masarap kasing magmahal si Manay sa mga inaalagaan niyang artista. Pero diretso niyang sasabihin kung talagang hindi na maganda ang mga na-giging kaganapan.

Pansinin n’yo rin, na si Mark ay milya-milya nang napag-iwanan ng kanyang ex-girfriend na si Jennylyn Mercado.  Kinikilala na ngayong seryosong aktres si Jen. Samantalang si Mark, hayan at hindi pa rin nakakawala sa kanyang pagsayaw-sayaw kahit halata namang hindi na siya bagets. Nauungusan na rin nga siya ni Aljur Abarenica, dahil ang dating ka-loveteam ni Kris Bernal, ramdam na ramdam ngayon kung papaano pahalagahan ng GMA-7.

PERSONAL: BELATED HAPPY birthday sa aming kapatid sa Philippine Movie Press Club na si Rommel Galapon. Madalas, siya ang Taray Queen ng PMPC, kapag mayroon naman siyang ipini-PR ay hindi siya madamot na magbigay ng raket sa mga kapatid sa panulat.  Sa tarayan at sweet-sweetan, ang tagal na rin ng pagkikilala namin ni Rommel, kaya wala akong masasabi sa kanya, kundi isang malaking MWUAAAH at “Alam mo na?” na dayalog niya kapag magbibigay siya ng raket.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “Zsa Zsa Padilla, kahanga-hanga ang pagmamahal kay Dolphy

  1. hindi nakakapagtakang paginteresan si mang dolphy  dahil sa kanyang yaman,pero hindi rin naman nakakapagtakang makatagpo sya ng babaing magmamahal sa kanya ng totoo at tapat dahil din sa may mabuting puso si mang dolphy,gaya ni zsa zsa,saludo ako sayo dahil sa naging tapat mong pagmamahal sa da king,at yung mga husgaderot husgadera,sana manahimik na kayo,at maghanap na lang din ng taong tapat kung magmahal,hindi pa ba sapat sa inyo ang pagpapatunay na naging matagal na ang pagsasama nila dolphy at zsa zsa, at higit sa lahat laging nasa tabi ni mang dolphy si zsa zsa sa tuwing itoy may sakit,ano pa ba ang gusto nyong pagpapatunay?tama na sana

Leave a Reply

Your email address will not be published.