Zsa Zsa Padilla, kahanga-hanga ang ipinakitang katatagan!

MARAMI TALAGA ang huma-nga sa ipinakitang katatagan ni Zsa-Zsa Padilla simula nu’ng ipasok nila sa hospital hanggang sa malagutan ng hininga at maihatid sa huling hantungan ang Comedy King na si Tito Dolphy. Hindi birong kalungkutan, mga pangamba, hirap ng katawan at kalooban ang kanyang naranasan. Pero hindi niya talaga kayang malayo sa tabi ng yumao nu’ng ang kanyang minahal na komedyante ay naglulubha pa lamang. Alam na alam kasi ni Zsa-Zsa na kung magmumulat ang mga mata ni Tito Dolphy ay hahanapin siya.

Mahigit isang buwan ang pananatili ni Tito Dolphy sa hospital bago siya pumanaw. Maraming trabaho si Zsa-Zsa na hindi na nabigyan ng panahon, dahil mas mahalaga para sa kanya na sa mga huling araw ng Comedy King sa mundo ay lagi pa rin silang magkasama. Hindi magandang tanawin para kay Zsa-Zsa na nasa loob sila ng hospital, dahil para sa kanya, kung okay sana si Tito Dolphy na puwede sa kanilang house magpagaling, du’n na lang sila, dahil bago ang kamatayan ni Tito Dolphy ay talagang gusto na rin niyang umuwi sa bahay nila. Kaso’y hindi nga pupuwede.

Wala na nga si Tito Dolphy. Ito na ang pagharap ni Zsa-Zsa sa mas malulungkot na araw na darating, dahil sa mga alaala na lang niya puwedeng balikan ang maliligayang araw nila ni Tito Dolphy. Alam niyang wala sa hospital o sa sementeryo naroon ang mga alaala ni Tito Dolphy, kundi nasa loob ng kanilang tahanan kung saan sila mahabang panahon na nagsama. Napakaganda pa rin ni Zsa-Zsa kahit mahigit isang buwan ang kanyang pagdadalamhati. Pero dapat niyang regaluhan ng bakasyon at pagpapahinga ang kanyang sarili.

 

BLIND ITEM: Minsan talaga, hindi mo masabi ang kapalaran dito sa showbiz. Katulad na lang ng sumikat pero kilala pa ring young actor ngayon na itago na lang natin sa screen name na Albert Hilario. Bagets pa lang si Albert ay paekstra-ekstra na siya sa mga pelikula at teleserye. Na siyempre pa, ang talent fee lang niya noon ay nagsisimula sa three hundred, five hundred hanggang one thousand pesos. Kasi nga, dakilang ekstra pa lang siya.

Dahil napakaguwapo ni Albert, kaya naman sa simple pa lang niyang hitsura ay maraming bading na sa showbiz ang nakapapansin sa kanya, na kumbaga’y puwede na siyang hadahin at lamang-tiyan din, kasi’y wala naman siyang pangalan. Bukod sa guwapo, mabango si Albert, at nadiskubre ng mga kabadingan, na nagtataglay siya ng magandang hinaharap. Panalo, dahil bukod sa mataba at mahaba ang kanyang pagkalalaki, ay walang amoy. Amoy-baby raw. Walang pakialam si Albert, kesehodang pinagpasa-pasahan na siya ng mga bading sa taping at shooting, dahil ang ibinabayad sa kanya ay pandagdag na rin sa tunay niyang talent fee mula sa pagiging dakilang ekstra.

Sumali si Albert sa isang contest sa telebisyon, kaya nadiskubre siyang maging artista. Mabilis ang kanyang naging pagsikat, dahil bukod sa guwapo ay maga-ling din siyang umarte. Ilang pelikula ang kanyang ginawa na puro kumita sa takilya. Nang sumikat siya ay lumaki ang kanyang ulo, at kung dati’y simple lang ang kanyang ugali, bigla na lang siyang yumabang at nagmukhang-pera sampu ng kanilang pamilya na umasang ang kanyang kasikatan ay walang katapusan.

Dahil dati’y guwapo lang siya pero walang pangalan, ilang bading na lang na nakahada sa pagkalalaki ni Albert ang nakakilala sa kanya, na dati siyang pahada sa set. Pero dahil hindi naalagaan ang kanyang career, lumaylay na ang kasikatan ni Albert, kaya wala na siyang raket ngayon, dahil wala na siya sa limelight. Napakaguwapo pa rin niya ngayon. Kaya nagtatanong ang mga bading: “Nagpapahada na kaya siya ulit ngayon? Puwedeng-puwede pa. Kasi’y super-guwapo pa rin siya, ‘noh!”

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

4 thoughts on “Zsa Zsa Padilla, kahanga-hanga ang ipinakitang katatagan!

  1. I like Zsa Zsa… super ganda nya. Naiyak ako sa Eulogy nya sa Dolphy Theatre. .. “through the years”…

    • wow! ang galing nyo naman sa mga blind items… so, pahada din pala si Hero Angeles before sya naging artista… at ngayon ay wala na :(

Leave a Reply

Your email address will not be published.