Zsa Zsa Padilla, itinangging buntis na si Karylle

Zsa-Zsa-PadillaTINANONG NAMIN si Zsa Zsa Padilla sa taping ng Dyesebel kung buntis na ang kanyang anak na si Karylle Yuzon.

“Hindi pa nga, eh. Okay lang naman, 33 na siya. Pero sa family kasi namin, hindi kami maanak, eh. ‘Yung mga kapatid ko, isa hanggang dalawa lang ang nagiging anak namin. Pero sana nga, mabuntis na siya.”

Alam naming hindi n’yo naman itatanong, pero kami na ang magsasabi na kami ang gumaganap na sounding board ni Ms. Zsa Zsa sa Dyesebel. Hehehe!

 

KUNG SINUSUNDAN n’yo ang Diary Ng Panget na sumikat sa Wattpad na isinalibro din at nakailang series, for sure, panonoorin n’yo ang movie version nito na produced ng Viva Films.

Kami, nabasa namin nang buo ‘yung first of the series at typical na istorya ng pagkagusto ng isang babae sa kanyang itinuturing na ultimate crush na wala namang gusto sa kanya na meron namang ibang may gusto sa kanya, pero hindi niya gusto.

Dahil panget siya, sa isang exclusive school (kung saan pinag-aral si Panget ng mayamang parents ng kanyang crush basta bantayan lang niya itong maigi) siya nag-aral, pero sa panget niya ay binu-bully siya ng mga kaklase.

Ang tanong: paano mawi-win ni Nadine Lustre ang campus hearththrob na amo niyang si James Reid habang pinapaalalahanan siya ng friend niyang si Yassi Pressman at habang nagpapalipad-hangin naman sa kanya si Andre Paras?

Dahil award-winning ang scriptwriter nitong si Mel del Rosario, asahan ding bagets na bagets ang tirada ng direktor nitong si Andoy Ranay, kaya panonoorin namin ito sa April 2.

 

Serye ng prinsesa ng primetime, titigbakin na

 

BLIND ITEM: Ipinromowt pa naman nang bongga. Pati ‘yung batang leading man, pinaghandaan ang pagsasama nito at ng leading lady na prinsesa sa primetime.

Pero ang sabi ng aming source, “From the original 26 weeks, na bumaba sa 18 weeks, ngayon, one season na lang siya as in 13 weeks na lang ang itatagal niya sa ere.”

Baket?

“Eh, hindi nagre-rate, eh. Halos lahat yata ng tao, du’n nanonood sa kalaban. Eh, nakakahiya ‘yun sa stature ng leading lady, dahil kilalang nagtatagal ang teleserye niya, ‘di ba?

“Tapos ngayon, nawaley. Ewan kung ano’ng diprensiya sa kanya. Kulang siguro sa sincerity ang mukha ‘pag umaarte at ‘pag iniinterbyu na rin.”

Well, gano’n naman talaga ‘pag hindi pumapalo sa rating, pinapalitan nang bago o sumusubok ng mga bagong mukha.

Pero insulto nga ‘yon sa bidang aktres.”

Kung “devotee” kayo ng aming mga blind items, mahuhulaan n’yo agad.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Zsa Zsa Padilla, itinangging buntis na si Karylle

Leave a Reply

Your email address will not be published.