Zsa Zsa Padilla, ‘di nakapunta sa mga pagdiriwang ng b-day ni Dolphy

NAGKASAKIT PALA si Zsa Zsa Padilla nu’ng kaarawan ni Mang Dolphy nu’ng kamakalawa lang.

Maraming media ang nag-abang sa Heritage Memorial Park dahil siyempre, inaasahang darating doon ang buong pamilya ng Comedy King dahil espesyal na araw rin ito kay Mang Dolphy, pero wala si Zsa Zsa at si Zia.

Si Nicole lang ang dumating dahil parehong may sakit pala ang dalawa.

Kinagabihan nga ay nag-host naman ng misa at dinner si Willie Revillame na ginanap sa kanyang Wil’s Place sa Quezon City, at wala rin doon ang mag-inang Zsa Zsa at Zia.

Kuwento ni Eric, hirap daw makalakad si Zsa Zsa dahil parang namamanhid daw ang binti niya. Kaya hindi na ito lumabas.

Pero dinig ko, nagpadala rin doon si Zsa Zsa ng lechon. Kahit may sakit siya, nagawa pa niyang umorder ng lechon, ha! Para meron naman siya sigurong share sa handaang ‘yun.

In fairness, masarap ang handa sa restaurant ni Willie, ha! Kaya ang dami kong nakain du’n.

Dumating naman doon sina Eric Quizon at ang iba pa nilang kapatid gaya nina Epi Quizon, Vandolph, Sahlee Quizon at Nicole.

Nakita nga namin, lalo silang naging close dahil sabi nga ni Vandolph, ‘yun ang gusto ng kanilang ama.

Kailangan daw nilang magkaisa para magkasama rin silang ipagpatuloy ang legacy na iniwan ng kanilang ama.

Bukas ay magsisimula na ang pagpapalabas ng mga pelikula ni Mang Dolphy sa mga Ayala cinema.

Meron ding exhibit ng mga memorabilia nito sa Trinoma at Glorietta 4. Hanggang sa Linggo ang film festival ng mga pelikula ng Comedy King kaya pumunta na kayo sa mga sinehan ng Ayala gaya ng Trinoma, Glorietta at Market Market.

Ngayon pa lang ay may pinaghahandaang event sina Eric Quizon at mga kapatid para naman sa 40 days ng kamatayan ni Mang Dolphy. Ia-announce daw nila isa sa mga araw na ito.

 

NAKAKATUWA TALAGA ang narating nitong young actor na si Alden Richards.

Mabait ang batang ito at napakagalang kaya naman nabi-bless ito ng magandang career.

Pinag-aaralan niya talaga nang mabuti ang kanyang trabaho kaya marami ang nakapansin sa kanya na gumagaling din ito sa pag-arte sa One True Love.

Sa totoo lang, ang gagaling ng mga veteran stars na kasabayan niya pero hindi nagpahuli si Alden.

Ang galing ni Raymond Bagatsing na lagi niyang kaeksena, at nakaw-eksena rin sina Jean Garcia at Agot Isidro pero hindi rin nagpahuli si Alden.

Sabi naman ng bagets, kailangan niya talagang pag-igihin para hindi naman siya mahuli.

“Sobrang pressure po kasi sa akin nang nalaman kong magbibida kami ni Louise (delos Reyes) at primetime pa. Kaya talagang hindi po ako nag-laid back du’n sa role. Talagang binigay ko talaga ang best ko at inaral ko talaga ang script para maging effective po ang pag-deliver ko,” pahayag ni Alden.

Malaki ang pasasalamat niya na na-extend sila hanggang 15 weeks kaya malaking achievement na ito sa loveteam nina Alden at Louise, ha!

Matindi nga ang love story ng One True Love pero hanggang du’n lang daw talaga ang love affair nila dahil napanatiling magkaibigan lang sila at baka mamaya magwala si Enzo Pineda, ‘no!

Nagkaintindihan naman daw sina Alden at Enzo kaya wala ‘yung mga selosan.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Zsa Zsa Padilla, ‘di nakapunta sa mga pagdiriwang ng b-day ni Dolphy

Leave a Reply

Your email address will not be published.