Zsa Zsa Padilla, aminadong ‘di pa makapag-move on sa pagkawala ni Dolphy

INAMIN NI Zsa Zsa Padilla na nasa coping stage pa siya hanggang ngayon kahit isang taon nang namayapa ang kanyang long time partner na si Comedy King Dolphy.

Kuwento niya sa Ang Latest ng TV5 sa espesyal na panayam sa kanya ni Dolly Ann Carvajal, “Coping pa rin s’yempre. There are days when you lose a love one, okay na okay ka, there are days na parang an’sakit-sakit. Parang ganu’n ‘ata ‘yung process ng grieving. Hindi ko alam. Galit na naman ako, all of a sudden, guguluhin ko ‘yung side of bed kasi kinakausap ko siya everyday, an’laki kasi ng kama namin, para feeling close ako.”

Hanggang nagyon kaya ay nagpaparamdam pa ba sya? “I don’t know sometimes, siguro nakaka-frustrate din sa kanila na nand’yan lang sila, hindi natin nararamdaman. Sabi ko sa kanya, just give me a sign because he loves all this beautiful standard, ‘pag gusto mong magpapansin sa ‘kin, just put a melody on my head, ‘pag kinanta ko, then I know.”

Ano ba ang name-miss niya talaga sa Comedy King? “His sweetness that’s why he is very endearing to everyone, his gentle ways, coming home to him, telling him about my day.”

Anong kanta kaya na nagpapaala sa kanya kay Mang Dolphy na hanggang ngayon ay hindi pa niya kayang kantahin? “Hiram, hanggang ngayon ‘pag tutugtugin ‘yung Hiram, please don’t hindi ko talaga kaya. May mga kanta talagang tinatamaan pa rin ako.”

Naramdaman kaya niya ngayong nag-iisa na talaga siya na at feeling ba niya handa na siyang umibig muli? “Hindi pa, tsaka I feel too old for that, I’ve always been with the man since I was 16, so first time in my life na I was at ease with myself, maganda rin pala ito sobrang concentrated ka sa pamilya mo, strive harder for them, lahat ng efforts ko nasa sa kanila talaga. I don’t know if they’re ready to share with me someone else, I don’t think somebody out there whose interested.”

Sunod pang tanong sa kanya, “But will you ask for Tito Dolphy’s guidance, if and when, may guy na magpapatibok ng puso mo?”

Nakangiting sagot nito, “Knowing him, magseselos ‘yun.”

Feeling ba niya, parang numb na siya? “Now? Oo. But should the time come if there is anybody out there as wonderful as him…”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

One thought on “Zsa Zsa Padilla, aminadong ‘di pa makapag-move on sa pagkawala ni Dolphy

  1. Ay naku Tsa Tsa Patilla,, pag naligawan at nagkagusto ka kay Hayden Kho.. sigurado sampung Dolphy man yan dumaan sa yo makaklimutan mo.Di ba Hayden “Brochador” Kho.

Leave a Reply

Your email address will not be published.