Zorro’s Jewel

Sa presscon ng Zorro na magsisimula na sa Telebabad ng GMA 7 ngayong Lunes, mas inaabangan ng mga movie press ang pagtatagpo nina Ma’am Wilma Galvante at Tita Anabelle Rama.

Pero hindi nangyari ‘yun dahil nasa mesa lang si Tita Anabelle at hinihintay ang paglabas ng kanyang anak na si Richard Gutierrez, ang kauna-unahang Pinoy Zorro.

Si Ma’am Wilma naman, sa stage lang nakita na may nakabantay na mga guwardiya sibil habang ini-introduce ang bagong fantaserye ng GMA 7.

Pagkatapos niyang magsalita, hindi na siya nagpakita at hindi nakihalubilo sa mga dumalong movie press at hindi nanganap ang posibleng pagtatagpo nila ni Tita Anabelle.

Hindi pa nga naayos ang gusot ng dalawa at maaaring lumala pa dahil ang latest na narinig ko, magsasampa raw ng demanda si Ma’am Wilma laban kay Tita Anabelle.

Nakarating na raw ito sa ina ni Richard kaya tini-text na naman daw nito ng kung anu-ano si Ma’am Wilma at nakarating pa sa ibang executives ng GMA 7.

Pero nu’ng gabi ng presscon ng Zorro, maaaring lumambot ang puso ni Tita Anabelle dahil napaluha nga raw ito sa magandang exposure at pagbibigay-halaga sa kanyang anak. Kaya siguro alang-alang sa magsisimula nang fantaserye ni Richard, mananahimik na lang si Bisaya.

Nalagay sa gitna ng naturang gulo si Richard na sabi nga niya, medyo detached siya sa mga nangyayaring gulo, dahil halos nakababad na lang ito sa Bagac, Bataan, kung saan kinukunan ang kabuuan ng Zorro.

Pahayag ni Richard, “Labas ako sa gulo nina Mommy at Tita Wilma. Pero siyempre ako, nasa likod ako lagi ni Mommy. Kung anong gusto niya, kung saan siya masaya, ‘yung buong pamilya namin, nasa likod niya.”

Willing naman daw siyang tumulong na magkabati ang dalawa, pero mukhang hindi pa raw sa ngayon dahil mainit pa ang mga nagaganap.

Pero ‘yun ay isyu ni Tita Anabelle na tanging siya lang ang makasasagot at makalulutas.

Ngayon, may mga ilan pang isyung sana, sagutin ni Richard, dahil hindi naman iyon naitanong sa kanya nu’ng nakaraang presscon.
Una, wala pa ring malinaw na sagot kung totoong sila pa rin ba ni Jewel Mische.

Totoo bang minsang nagkasakit si Richard ay todong nakabantay at nag-aalaga sa kanya si Jewel?

Sosorpresahin daw sana ito ng dalaw ni KC Concepcion, pero hindi na tumuloy dahil nalaman nitong nandu’n pala si Jewel. Kasama raw ni KC si Tim Yap at may dala pang pagkain para kay Richard, pero nang sinabi raw ng guard na nasa itaas si Jewel, iniwan na lang daw ang pagkain sa baba at umalis na lang sila.

Minsan nang itinatanggi ni Richard ang napabalitang bakasyon daw nila ni Jewel sa Hongkong, pero hanggang sa ngayon, patuloy pa ring pinag-uusapan dahil may mga nakakita raw sa kanila. Pero ayon sa isang source, hindi naman daw talaga sila nag-Hongkong kundi sa ibang bansa na bahagi ng Europe.

Ang latest namang narinig namin ngayon, may bagong kotse raw si Jewel at bigay raw ito ni Richard sa kanya.
Kung totoo nga ito, sobrang bongga ni Jewel, ang haba ng hair at maaaring mahal nga siya ng young actor!
Tahimik pa rin si Jewel at panay naman ang deny ni Richard.

Bakit nanatili pa rin siyang nasa dilim at walang umaamin sa kanila? Dahil marami nga bang tutol sa relasyon ng dalawa?
Maganda naman si Jewel at tila nagmamahalan naman sila, ano pa ang problema?

Naipalabas na ang dalawang pelikula nina Richard at KC, siguro wala nang problema kung magkaaminan na.

Sino kaya kina Richard at Jewel ang unang magsasalita?

by Gorgy’s Park

loading...

One thought on “Zorro’s Jewel

  1. they both look good together sana nmn umamin na silang dalawa nakakakilig sila i hate anabelle rama if she’s the hadlang sa knilang dalawa

Leave a Reply

Your email address will not be published.