Zoren Legazapi, may panghihinayang kay Ruffa Gutierrez? – Pilar Mateo

NANG DALAWIN NAMIN ang muling pagtatambal nina Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi sa first shooting day ng isang Regal Films movie, hindi namin maiwasan ang muling lumakad down memory lane sa kanilang nakaraan.

Marami pa rin kasing alam si Ruffa about Zoren at ganoon din ang mister ni Carmina Villarroel.

Napag-usapan kasi ang pagbabalik sa school ni Ruffa pero hindi sa academe kundi sa isang culinary school. Gusto raw niya kasing matutong magluto dahil kahit na ang magbalat ng sibuyas, hindi niya alam.

“Nakapagiprito naman ako but that was a long time ago na. I have forgotten na talaga kung paano ang magluto,” say pa ni Ruffa.

Hindi ka in-allow ni Yilmaz (Bektas) na magluto while in Turkey?

[ad#post-ad-box]

“Nag-try naman ako pero ayaw niya nu’ng amoy-kusina ako, eh. ‘Yun ang dahilan kung bakit hindi na ako nag-cook dahil nag-hire kami ng chef.

“I am planning to take up culinary para lang sa akin at sa mga anak ko. Siyempre, sa future din kung sinuman ang darating in my life. Wala akong planong pumasok sa restaurant business. Gusto ko lang mag-cook for my family and friends,” paliwanag ng matangkad na aktres.

Naalala rin ni Ruffa na noong sila pa ni Zoren, gustung-gusto raw nito ang Filipino food. Pero nilinaw niya na hindi niya na-experience ang pakainin si Zoren ng kanyang luto dahil baka hindi rin daw ma-stomach ng aktor ang luto niya.

Sinabi rin ni Zoren na kung nagtuluy-tuloy lang ang kanilang relasyon noon, malamang ay sila pa rin ang magkasama ngayon. O, ‘di ba confident? Kaya naman ang Ruffa, pumalakpak ang mga tenga. Pero happy naman daw si Ruffa na ang bestfriend niyang si Carmina ang wife ngayon ng kanyang ex.

Ngayon naman, how is Zoren as a husband and as a dad?

Tahimik lang si Zoren bilang asawa pero when it comes to his kambal ay masyado siyang active.Tine-train niya ang mga ito sa tennis at hindi niya talaga iniiwan ang magkapatid sa kanilang mga laro.

Nakikita naman daw ni Zoren na may inclination sa showbiz ang babae nilang anak pero siyempre, mas gusto pa rin nila ni Carmina na ang pag-aaral pa rin ang maging focus ng dalawa.

RAMPA KALIWA’T KANAN ang ginagawa ng SexBomb, ha? At hindi lang sa iba’t ibang lugar ng ‘Pinas kundi sa iba’t ibang bansa.

Nagkaroon ng series of shows ang SB group sa pangunguna ni Rochelle Pangilinan with Jopay Paguia, Weng, Izzy Tirazona, Evette at Danielle sa Pinoy communities in Ontario, Toronto and Winnipeg, Canada kaya para na ring nagkaroon ng bakasyon ang tropa kahit na may mga shows silang iniwan dito gaya ng Show Me Da Manny at Daisy Siete.

Sinulit nila ang very tight sked nila sa tatlong araw na makakasunod na pagkakaroon nila ng shows.

Mabuti na lang, walang nanligaw na mga foreigners sa mga girls dahil kapag nagkataon, kawawa lang ang guy sa kanilang busy schedule dito sa ‘Pinas.

Na-impress naman daw ang mga banyagang nakapanood sa show ng SexBomb doon dahil super-hataw ang performance nila.Hindi nga raw makapaniwala ang mga Pinoy na magagaling din palang kumanta nang live ang SexBomb.

Ang tanong, sumama ba si Arthur Solinap kay Rochelle?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

One thought on “Zoren Legazapi, may panghihinayang kay Ruffa Gutierrez? – Pilar Mateo

  1. natural may pelikula sila wala namang ibang mapag usapan kaya dapat kalkalin ang naging relasyon nila sana langpati yung mga nakaw na sandali nilang dalawa sa loob ng private room at walang mga saplot ang katawan kundi ungol at halinghing lang di ba.

    tignan mo kung ipartner uli yan kay dennis da silva ganyan din ang gagawin nila gigimik uli at palilitawin uli yung kanilang love affair na nakakasukang i remember. he he he

Leave a Reply

Your email address will not be published.