Zoren Legaspi at BB Gandanghari, nagkaharap at nagkaayos na!

NOONG SABADO, sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, naganap ang kauna-unahang paghaharap nina Zoren Legaspi at BB Gandanghari, mga taong parehong may kinalaman sa buhay, past and present, ni Carmina Villaroel.

Maituturing na isang pambihirang pagkakataon ang nasabing pag-uusap at paghaharap dahil inakala ng lahat noong unang nag-guest nang live si BB sa Paparazzi ay magkikita na sila ni Zoren, pero hindi ito nangyari dahil halatang umiwas si Zoren.

Sa unang bahagi ng video tape recording na ipinalabas ng show, Ikinuwento ni Zoren na ito na ang tamang pagkakataong magkakausap na rin siguro sila ni BB at magharap dahil, “Sooner or later magku-cross naman talaga ang path namin. So, sabi ko, might as well do it now, kaysa ‘yung mga awkward moments na nasa party kami na hindi nagpapansinan.”

Ayon naman kay BB, “Hindi ko naisip na magkakaroon kami ng pagkakataon na magkita nang personal, wala akong nakikitang rason to do it!”

Tanong naman ng Paparazzi kay Zoren kung napapag-usapan ba nila ito ng asawa niyang si Carmina? “Oo nasabi ko sa kanya, ‘o, matutuloy na, ha?’. Well, lagi naman kasing matutuloy eh, pero hindi naman talaga nangyayari. Pero ngayon sa tingin ko, talagang mangyayari na. Wala naman siyang sinabi sa aking good luck.”

Pero ayon kay BB, “I really don’t know what’s gonna happen kapag nagkaharap kami, I know it’s gonna be awkward.”

Sa unang bugso ng istorya ng napipinto ni-lang pagkikita sa show ay naitanong din ng Paparazzi kung handa na nga ba silang dalawa na magharap.

Sagot ni Zoren, “Nasi-CR ako, ewan ko kung bakit. Handa ako, hindi ko lang alam kung paano n’yo kami i-introduce sa isa’t isa.”

Say naman ni BB, “Is he ready?” Sabay tingin sa camera na parang kinausap si Zoren, “Are you ready?”

Dito na nagtatapos ang tila teaser ng Paparazzi sa pagkikita ng dalawa.

Sa pangalawang bugso ng istorya, ipinakita na nga ang pagdating ni BB Gandanghari sa location ng nakatakda niyang panayam kay Zoren Legaspi. Naganap ang kanilang panayam sa NAPA Restaurant along Scout Borromeo sa may Quezon City noong May 30, 2012.

May inihandang boquet of flowers ang show para kay BB na ayon pa sa isang insider ay pinagdiskusyunan between Zoren and staff kung sa huli ba ng interview ito ibigay o sa mismo nilang pagkikita.

Pero nanaig daw ang nais ni Zoren na ibigay ang bulaklak kay BB bago pa man ang kanilang interview dahil gusto raw niyang makapalagayang loob na ang kontrobersiyal na si BB, ang bagong katauhan nang namayapang si Rustom Padilla.

Nang medyo palagay na ang dalawa sa kanilang paghaharap, nagsimula nang magtanong si Zoren ng mga katanungang matagal na siguro niyang gustong malinawan mula mismo kay BB.

“Ang una ko sigurong dapat itanong sa ‘yo like Nanay Cristy (Fermin) asked ‘kung iinterbyuhin mo si BB Gandanghari, ano ‘yung unang itatanong mo sa kanya?’. Out of nowhere ,I said I want to know kung meron siyang sama ng loob sa akin or hinanakit, or something to that effect na, na hindi mo pa nasasabi sa akin.”

“Honestly wala, kasi sa totoo lang wala ka naman talagang kinalaman du’n sa kung ano man ‘yung nangyari sa past ni Carmina at ni Rustom, at kung meron akong nararamdaman tungkol sa ‘yo? Hindi siguro sama ng loob o galit kundi pasasalamat actually, na I can see that you’re taking care of Carmina and I’m very happy,” mabilis na tugon ni BB.

“Ang gusto ko lang naman is mapunta sa maganda si Carmina in the end, and I think that she’s very happy with you. And if only for that, wala… wala, hindi kung sama at samaan ng loob, wala, or galit, wala,” dagdag pa nito.

Pasasalamat naman ang naging tugon ni Zoren na aniya’y nawalan siya ng ‘malaking tinik’.

Sunod na tanong ni Zoren, “Sino ‘yung unang pumasok sa isipan mo na pag-aamin ka na this is me? Sino ‘yung top three?”

Tugon ni BB, “Actually dalawa lang eh, sa nanay ko o siguro kasama na ‘yung siguro, pamilya… at tsaka kay Carmina… si Carmina…”

Sunod pang nilinaw ni Zoren, “Du’n sa mother mo muna, ano ‘yung initial reaction niya and how would you say it?”

Pero nilinaw ni BB, na isa lang pala talaga ang napagsabihan niya, “’Yun na nga. Pero alam mo, parang ironic doon, kasi du’n sa tatlong ‘yun, si Carmina lang ang nakausap ko.”

Nagulat naman si Zoren sa rebelasyong ito ni BB. Dito na medyo sobrang naging seryoso ang usapan. Dagdag pa ni BB, “Dun ko nakilala si Carmina, du’n nabuo ‘yung respeto ko sa kanya… bilang tao at sabi ko sa sarili ko na siguro sa lahat ng nangyari it was a blessing na si Carmina ‘yung naging parte. Kung may mga masakit man na nangyari o kung ano man, pero it was a blessing na kay Carmina.”

Sabi naman ni Zoren, “Yes, pero you know isa lang naman ‘yung ikinuwento niya sa akin eh, du’n sa pag-uusap ninyo, you said sorry to her, you said sorry to her and nagtawanan na lang kayo after that.”

Oo lang ang naisagot ni BB sa kanya at nagbato na ulit nang katanungan si Zoren.

Aniya, “Was it difficult for you to say sorry? Or was it difficult for you to say ‘eto ako? And I’m sorry for all those years or whatever na nagtago ako?”

Seryosong sagot ni BB, “Yes and no, kasi it was difficult because I don’t wanna make her feel na there was deception at that time because probably there wasn’t. So, ‘yung pag so-sorry is kung mangyayari man ito ngayon, baka masaktan ka kaya ako nagso-sorry, or baka maapektuhan ka, or baka meron kang maisip na hindi maganda, kaya ako nagso-sorry. It was difficult also na sabihin sa kanya ‘yun kasi ayoko na kasing pahabain eh, ‘di ba? But nangyari ‘yun kasi out of respect, kasi kung merong isang tao na nakakilala kay Rustom, I think si Carmina ‘yun, eh. So, I just thought I owe it to her… the honesty and all.”

Sunod na tanong ni Zoren, “Ok let’s compare, you and Rustom not in a physical way, but more on character. Ano ‘yung wala siya, si Rustom noon at si BB meron?”

Sagot ni BB, “Siguro one, p’wede kong masabi is Rustom is very insecure, masyadong people pleaser si Rustom, eh. Siguro that’s one major different sa ‘ming dalawa. Ako ngayon is I’m very self assured, I know what I want, I know what I can do, and I don’t please people, parang people like me, well I’m good… kung hindi naman, wala tayong magagawa… talagang ganyan, you can’t please everyone.”

Dugtong pa ni Zoren, “Some people tinitignan nila, ‘o, si BB she’s this now wearing heels’, but deep inside the character ni BB, marami pala siyang pinagdaraanan. Anong plano mo sa future mo? Can you honestly say na kumpleto ka na?”

“Well I can say I’m happy, but I can be happier, I always say that…”

Pero napansin ni BB ang tingin ni Zoren sa kanya kaya naman nasabi niyang, “Naba-blanko naman ako sa tingin mo,” sabay halakhak.

Next na tanong ni Zoren, “Tama pala ‘yung mga hinala ko na it’s not that easy, meron talagang pinagdaraanan at merong mga trials araw-araw.”

Na sinang-ayunan naman ni BB, “Yes, yes! In fact, tinatanong nga nila if this a preference or what, sabi ko no, this is an orientation, my sexuality is an orientation it’s not a preference. So, it’s not a choice because if this is a choice, wow! 100 times kong iisipin to if this will be my choice… but it’s not a choice. So, kahit mahirap siya, kailangan mong harapin, kailangan mong tanggapin.”

Dito na natapos ang pangalawang bahagi ng interview ni Zoren kay BB. Sa susunod ay ibahagi naming ang highlights ng ikatlong bahagi ng interview ni Zoren kay BB kung saan may mga hamong tanong si BB kay Zoren. Abangan!

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

7 thoughts on “Zoren Legaspi at BB Gandanghari, nagkaharap at nagkaayos na!

  1. BAKA NMAN MAKITA NI CARMINA NA NAGKAKANTUTAN C ZOREN AT C RUSTOM PADILLA SA KAMA NILA. BWAAHAHAHAHAHAHAHAHA

  2. im looking forward nextime eh  si carmina naman para sa mata ng public may closure na,para moving on na !!!!!

  3. Naku! ginawa lang ni Zoren iyon dahil gusto niya tumaas ang rating ng paparazzi. Alam mo naman gamitan lang yan.Pera pera lang yan.

  4. ‘DI KAYA MAY GUSTO ITONG SI BB KAY ZOREN? NAKU BAKA MAGSABUNUTAN ANG DATING MAG-ASAWANG SINA RUSTOM AT CARMINA HAHA!

  5. i must admit, ang ganda ng paparazzi last saturday… napakaganda ng interview ni zoren kay bb. at least ok na sila…

Leave a Reply

Your email address will not be published.