Zeus Collins, dinaig ang ibang kapanabayan sa “PBB 737”

Zeus Collins
Zeus Collins

Very thankful ang member ng Hashtag na regular na napanonood sa “It’s Showtime” at “Umagang Kay Ganda” at katas ng PBB 737 na si Zeus Collins sa dami ng blessings na dumarating sa kanya.
Kuwento nga ng tinaguriang ‘God of the Dance Floor’ at ‘Mr. Bomba’, until now ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanyang utak na isa na siyang celebrity at may mga regular shows . Naaalala raw ni Zeus na simple lang ang gusto niya noon, ang sumayaw kasama ng kanyang grupo.

At nang mapasok ito sa PBB 737, isa ito sa kinakitaan ng potential na sumikat dahil na rin sa angking galing nitong sumayaw at plus factor ang ganda ng mukha at pangangatawan.
Kaya naman paglabas pa lang nito ng bahay ni Kuya, napasama kaagad ito sa itinayong all-male group ng ABS-CBN, ang “Hashtag” na napanonood sa “It’s Showtime”.
Dream daw ni Zeus na magkaroon din ng teleserye na isa siya sa magiging bida at isang pelikula na may temang drama/ musical para maipakita niya ang kanyang talent in dancing.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleBea Binene, trabaho muna, saka na ang lovelife
Next articleGrace Ibuna, ayaw humingi ng tulong kay Gabby Concepcion; baka raw tagain sa presyo

No posts to display