Zero Private Army, Target Sa 2013 Poll

PUSPUSAN NA umano ang ginagawa ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) para tuluyang masugpo ang private armed groups (PAGs) sa Pilipinas.                                                                                                                          Sa harap ito ng nalalapit na halalan kung saan nagsimula na ang ilang election-related violence katulad ng naganap sa Zamboanga at pagsabog sa North Cotabato.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, target ng DILG na magkaroon ng ‘zero-PAGs’ sa darating na 2013 elections.

Kasama ito sa marching order ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kay bagong DILG Sec. Mar Roxas, ani Valte.

Una nang hinigpitan ang seguridad sa mga maiinit na lugar at may mga measure nang ipinatutupad para maiwasan ang karahasan sa darating na eleksyon.

Samantala, inaasahan

na maglalabas din ang Comelec at PNP ng mga lugar na ituturing na “hot spots”. (PARAZZI REPOR-

TORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.