Zero Crime Rate sa Araw ng Pasukan, Target ng NCRPO

TARGET NG National Capital Regional Police Office (NCRPO) na makapagtala ng “zero crime incident” sa bisinidad ng lahat ng eskwelahan sa Metro Manila ngayong darating na pasukan sa Hunyo 3.

Ito ang sinabi ni NCRPO Director Leonardo Espina sa lahat ng kanyang District Directors, Chief of Police at Station Commanders.

Inatasan ni Espina ang mga ito na umpisahan nang ipatupad ang binuo nilang “security plan” para sa mga paaralan upang matiyak na mabawasan kung hindi man lubusang matanggal ang mga krimeng nagaganap kapag araw ng pasukan.

Ang naturang paalala ni Espina ay kasunod ng naireport na pagkakaroon kamakailan ng sindikato na dumudukot ng mga bata upang ibenta o ipagbili ang mga lamang-loob.

Bukod naman sa pag-habol sa mga kriminal, sinabihan rin ni Espina ang mga opisyal na imo¬nitor ang presyo ng mga bilihing “school supplies” at ipatupad ang mga batas sa koordinasyon sa Department of Trade and Industry.

Samantala, nais ni Espina ngayong taon na magkaroon ang mga Police Assistance Desk ng mga kagamitan para sa “public address system¬” upang makatulong sa mga school administrator, paglalagay ng tarpaulin na nakasulat ang pangalan at contact numbers ng mga pulis na nakatalaga dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.