Zanjoe Marudo, umaasang si Bea Alonzo na ang mapapangasawa

MAITUTURING NA isa sa mga hottest actors ngayon ng bansa si Zanjoe Marudo. At bakit naman hindi? He has the looks, the height, and the built of a matinee idol. Hindi maikakaila na ang lakas ng kanyang karisma kaya marami ang naa-attract – babae man o gays, teenagers man o matanda – lahat ay kinikilig sa kanya. Pero ang pinakamasuwerte sa lahat ay ang babaeng tunay na nagmamay-ari ng kanyang puso – walang iba kundi ang girlfriend niyang si Bea Alonzo. The couple celebrated their first anniversary kasabay ng kanilang Star Magic tour sa Amerika.

Patuloy na gumaganda at tumitibay ang pagsasama nina Bea at Zanjoe. Kung noon ay maingat pa sila sa pagbibitiw ng mga pahayag tungkol sa kanilang dalawa, ngayon naman ay pareho na silang vocal sa pagsasabing masaya sila sa piling ng bawat isa.

Bea, in her past interview on The Buzz, said Zanjoe makes her laugh at marami siyang natututunan mula kay Zanjoe. Naging mas open na raw siya ngayon sa mga tao hindi tulad dati.

Saksi ang kanilang pamilya sa pagmamahalan ng dalawa. At ang maganda pa, their families are getting along with each other. Sabi nga ni Mr. Zandro Marudo na ama ni Zanjoe, “Sa ngayon, kitang-kita ko at feel na feel ko na masaya siya. Naging mature na siya sa relasyon. Proud ako na may nagmamahal sa anak ko.”

“Parang high school students. Kahit ako [na] kapatid [ay] kinikilig. Mas naging responsible siya. Mas marami siyang natutunan kasi maasikaso si Ate Bea sa kanya. Kumbaga, asawa type na iyong hinahanap niya talaga,” kuwento naman ng ka-patid ni Zanjoe na si Jean.

Aminado si Zanjoe that Bea is a wife material. He sees himself marrying her someday. “Sa nga-yon siya talaga ang nakikita ko. Kung pagbibigyan, hindi ba? Sana, sana ay si Bea na ang makakasama ko,” pag-amin niya sa The Buzz.

What’s good about their relationship is that they bring out the best of each other. Malaki ang naging impluwensiya ni Bea kay Zanjoe. “Dati kasi mahiyain ako na magsalita o magpakita ng (sweetness). Ngayon, simula noong magkasama kami ni Bea ay nag-iba na. Kumbaga eh, unti-unti na akong naging open pagdating sa relationship namin. Mas naging gentleman ako.”

Hindi lang suwerte sa pag-ibig sina Bea at Zanjoe dahil maganda rin ang takbo ng kanilang mga career. Sa nga-yon ay abala sila sa kanilang mga showbiz commitments. Bea is paired once again with John Lloyd Cruz in a new series kung saan ang ibang eksena ay kinunan pa sa Austria samantalang si Zanjoe ang lead actor sa Precious Hearts Romances: Hiyas kasama si Megan Young.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

6 thoughts on “Zanjoe Marudo, umaasang si Bea Alonzo na ang mapapangasawa

  1. Iyun ay kung di sila magkasawaan! everyday tsuktsaka. advance na honeymoon sa korea! mga malalaswa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.