Zanjoe Marudo, takot mawala sa buhay niya si Bea Alonzo!

OO, I’M IN love with Bea.”

Ito ang deretsang pag-amin ni Zanjoe Marudo kay Toni Gonzaga sa The Buzz when he was asked if he’s in love with Bea Alonzo. Halata mo naman sa kanyang mga mata at kilos that he is head over heels in-love. He also admitted that he sees Bea as the woman he wants to spend the rest of his life with. Maliban pa rito ay sinabi niyang bestfriend niya ang magandang aktres.

Kumusta na ang relasyon nila ni Bea ngayon? “Ako, nandoon na ako. [Siya] malapit na yata, malapit na,” sagot ni Zanjoe. Takot daw si Zanjoe na mawala sa kanyang buhay si Bea at inamin niya na sinabihan na niya ito ng ‘I Love You.’

Umugong ang balita tungkol sa pagkakamabutihan nilang dalawa noong nakaraang taon. Ngayon ay hindi na nila alintana ang mga ka-merang walang sawang nakatutok sa kanila which means they are very comfortable in the company of one another. Hindi ba’t sa isang golf tournament in Tagaytay ay sabay pa silang dumating at nakitang sweet na sweet sa isa’t isa?

Zanjoe and Bea recently flew to Paris. This was Bea’s first time to go to Paris samantalang nakapunta na rito si Zanjoe when he filmed Lovers in Paris with Piolo Pascual and KC Concepcion. “Masayang-masaya iyong Paris kasi first time pumunta ni Bea sa Paris. Nagtrabaho kami pero isang araw lang naman. One week, seven days kami nag-stay roon. Pero nag-side trip kami. Nagpunta kami ng Florence noong time na free kami,” kuwento ni Zanjoe.

Natuloy na sa wakas ang plano ni Zanjoe na dalhin si Bea sa sinasabi niyang isang garden restaurant na pinuntahan nila dati nina Piolo at KC sa Paris. “Mas romantic sana, gabi naman siya kaya lang alas-nuwebe na may araw pa so pumapasok iyong araw sa loob ng restaurant, so para siyang isang lunch.”

Sa kalaunan ay naging lovers sa totoong buhay sina Piolo at KC. Is it also a good sign na magiging ganito rin ang kahahantungan nina Bea at Zanjoe matapos nilang pumunta sa The City of Romance? Abangan natin.

Parehong busy ang dalawa sa kani-kanilang showbiz career. Bea is the female lead of Guns and Roses while Zanjoe is promoting his new movie Wedding Tayo, Wedding Hindi with Toni Gonzaga and Eugene Domingo and taping his upcoming teleserye Hiyas with Mercedes Cabral and Megan Young.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

12 thoughts on “Zanjoe Marudo, takot mawala sa buhay niya si Bea Alonzo!

  1. oks sana ang relasyon nila huwag lang haluan ng gimik, kapag nahaluan ng itchus, nagiging baduy. i hope they will keep private aspossible.

  2. KUNG SAAN SILA MASAYA, GO LANG NG GO. SA SHOWBIZ, DI MO MASABI KUNG YON NA NGA, BAKA BUKAS IBA NA NAMAN. HAY, SHOWBIZ TALAGA.

  3. hindi naman mahilig gumawa ng kwento yang si zanjoe..yung kanila nga ni mariel..tagal din nila..lumandi lang tong si mariel..pero oks lang di nya naman deserve si zanjoe

  4. I AGREE, WALA SA KALIBRE NI ZANJO ANG PARIS FOR SURE UBOS NA PERA NYAN. BAKA KAYA NILILIGAWAN SI BEA AY GUSTO UMUTANG………..HAHAHAHA……….HINOG SA PILIT ANG LOVE TEAM…………WAWA SI BEA KASI MUKHANG MAANTOT SI LALAKE………HAHAHAHA

  5. nasa abante online, PAG TAPOS NG TAPING NI BEA BIGLANG MAY MGA FLOWERS GALING KAY ZANJOE KAHIT WALANG OKASYON! ANG CELLFONE NI BEA FULL OF LOVE MESSAGES FROM ZANJOE! MADALS RIN MAGSABI NG I LOVE U SI ZANJOE KAY BEA.

    YOU’RE THE MAN ZANJOE!

  6. infernez, todo support si boy abunda sa relasyong bea-zanjoe. Stop it boy kasi nakakasuka na. Dati akong fan ni bea and unfortunately, we miss the old bea.

  7. Oo agree ako sa yo Zanjoe is a gentleman na sa noong sila pa ni Mariel, hindi ganuun ka romantic si Zanjoe kay Mariel, parang yong relasyon nila noon very dry. For Zanjo to say those things about Bea sa The Buzz interview, parang tinamaan talaga siya ni Bea.

  8. Maganda rin sa Florence, Italy. Mukha talagang tinamaan si Zanjoe. Hindi siya umaarte ng ganito sa previous relationships niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.