Zanjoe Marudo, Seryoso na!

1. Seryoso, Vice Ganda… seryoso na ‘ko. <br>Weh… ‘di nga?!

Picture 1 of 6

Zanjoe Marudo and Vice Ganda

HINAMON NG pelikulang One More Try – official entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival – ang versatility ni Zanjoe Marudo bilang actor.

Ito na ang pinakamalaking acting role ng hunk actor, kung saan ayon pa rito, “Dito makikita ng tao ‘yung pagiging seryoso ko bilang isang artista and sinubukan ako ng pelikulang ito. Tinest niya ako kung hanggang saan ang kaya ko bilang actor, dito tinest ‘yung versatility ko bilang actor. Kasi kung makikita n’yo, halos lahat ng ginagawa ko puro love story na may halong comedy, and kahit konting bakas ng mga ginawa ko dati, parang hindi n’yo makikita rito.”

Nakipagsabayan talaga si Zanjoe kina Angel Locsin, Angelica Panganiban at Dingdong Dantes pagdating sa aktingan sa pelikula na showing na sa December 25. “Seryoso at bumuhos talaga ang emosyon ko rito sa One More Try.” Dagdag pa niya, “Sigurado po akong marami kayong mapupulot na arat dito and ayun, ‘pag nanood kayo nito, meron kayong magiging kuwnetuhan sa Noche Buena, sa Pasko at sa Bagong Taon.”

Para patunayan ngang seryoso na siyang actor, plano nga ni Zanjoe sa 2013, mag-concentrate sa heavy drama roles sa TV assignments, habang comedy naman sa movie projects.

Text by Dani Flores

Parazzi Wires Photos

Stars Candid

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.