Zanjoe Marudo and Rhian Ramos: Will You Be My Fallback?

Rhian Ramos and Zanjoe Marudo

ZANJOE MARUDO

Real Name: Zanjoe Acuesta Marudo
Birthdate: July 23, 1982
Zodiac Sign: Leo
Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday

RHIAN RAMOS

Real Name: Rhian Denise Ramos Howell
Birthdate: October 3, 1990
Zodiac Sign: Libra
Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

FRESH NA FRESH ang pagsasama ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo at Kapuso actress na si Rhian Ramos via CineKo Productions and Star Cinema’s “Fallback”. Thanks to Jason Paul Laxamana’s vision, nabigyan ng chance ang dalawang talented stars from different networks na magsanib-puwersa para sa isang pelikula. Bonga, right?

Aminin n’yo – bagay sina Zanjoe at Rhian! Lately ay nalilink si Zanjoe sa isa pang Pinay-British actress na si Bela Padilla at Rhian naman ay may non-showbiz dyowa. If ever lang, may chance kaya ang ZanRhian sa totoong buhay? Time to discover kung may fallback sila!

Halos magkapareho ang Leo at Libra pagdating sa personal traits. No wonder na malakas ang kanilang chemistry kapag pinagsama. Ipinanganak ang dalawang zodiac para mainlab at walang extra effort na kailangan para ipakita at ipadama ito. Gustung-gusto nila ang ideya ng pagiging in-love – mga liham, romantic dinners at kung anu-ano pang ikakikilig ng kanilang ka-partner ay willing nilang gawin! Gustung-gusto rin nilang mag-party at very sociable ang mga ito.

Isa pang factor kung bakit swak ang dalawa ay dahil nagko-compliment ang kanilang personalities. Ang pagiging maintindihin ng Libra ay p’wedeng maka-adjust sa stubbornness ng Leon. Kaso, hindi maiiwasang magka-problema kung magiging super dominant ang Leo sa Libran. Well, kaya namang i-handle ng Libra ang lahat. Pareho naman nilang pinahahalagaan ang mga importanteng bagay sa buhay tulad ng pamilya, kaibigan at karera kaya hangga’t maaari’y makaiiwas sila sa away.

Ang pagsasama ng lalaking Leo at babaeng Libra ang isa sa may potential na long-term, o diretso sa simbahan ang peg! Gusto nila na sila ang center of attention at parang musika sa kanilang pandinig ang palakpak ng mga tao. Pareho nilang gusto ang art and music. Hindi boring ang pagsasamang ito dahil palagi silang ‘on the go’. Full of love at nag-uumapaw na init sa romansahan! Hindi rin sila magkapo-problema

pagdating sa loyalty. Gusto ni lalaki na siya ang lider sa relasyon, samantalang mas gusto ng babae na may nagde-desisyon para sa kanya – Perfect!

Sa ngayon siguro ay happy pa sa kani-kanilang love prospects sina Zanjoe at Rhian. ‘Di na kami magwo-wonder kung soon enough ay aaminin na nila na ‘fallback’ na nila ang isa’t isa and they’ve completely fallen in love with each other! Uyyy!

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.