Zanjoe Marudo at Pokwang, magtatambal sa bagong pelikula

Zanjoe-Marudo-PokwangNAGSIMULA NANG mag-shooting kahapon sina Pokwang at Zanjoe Marudo para sa kanilang bagong pelikulang pagsasamahan for Skylight at Star Cinema.

Ang working title ng kanilang movie ay My Amnesia Z na ang direktor ay si Direk Tony Y. Reyes.

Makakasama nina Pokie at Z (palayaw ng dalawa) sina Pooh at Beauty Gonzales na magiging karibal daw ng una sa hunk actor at bet raw talagang makatrabaho ng komedyana, dahil magaling naman daw at nakakatuwa ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus alumna.

Although hindi pa sigurado, plano raw ipalabas ito by latter part of May, ayon kay Papa Zanjoe nang makita namin ito sa ABS-CBN compound at makatsika.

Kung papalarin si Pokwang na magkaroon sila ng kissing scene ng aktor sa pelikula nila, pangalawang beses na raw ito, dahil sa unang pelikulang pinagsamahan nila na Cinco ay nagkahalikan na raw sila, ayon kay Mamang (tawag din sa komedyana ng malalapit sa kanya sa showbiz), kaya wish n’ya rin daw talaga na magkaroon ulit sila ng kissing scene na ikinatawa naman ni Zanjoe.

 

SI DIREK Wenn Deramas din ay may bagong pelikulang gagawin under Star Cinema rin.

Maria, Leonora, Teresa ang working title ng movie na ididirek ng Box-Office at Blockbuster Director na may temang horror-drama at pagbibidahan daw ng kontrobersyal ngayon na si Kris Aquino.

Sa ngayon, hindi pa raw kumpleto ang casting, although nakapag-pre-prod meeting na si Direk Wenn sa Star Cinema two Mondays ago.

Gustung-gusto ni Direk Wenn ang script nito na isinulat nang mahusay na si Keiko Aquino na ikinatakot mismo ni Direk habang binabasa ito bago matulog two Sundays ago.

Uumpisahan na raw nila ang shooting this April, dahil nakatakda raw itong ipalabas sa mga sinehan sa darating na July ngayong taon.

Nakipag-meeting na rin daw si Direk Wenn last Wedeneday sa Dreamscape Productions ni Deo Endrinal para sa bago naman n’yang teleserye na gagawin para sa Kapamilya Network very soon din.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

One thought on “Zanjoe Marudo at Pokwang, magtatambal sa bagong pelikula

  1. Pingback: Zanjoe Marudo at Pokwang, magtatambal sa bagong pelikula - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.