Zanjoe Marudo, nagsisisi sa pag-iwan kay Mariel Rodriguez?!

KUNG SA SHOWBIZ ay nakagugulat na parating nauuso ang hiwalayan ng mga mag-asawa, lagi rin namang panggulat, na maraming relasyon sa trabaho ng mga artista at ng mga nagma-manage ng kanilang career ang humahantong sa hiwalayan pagkatapos ng mahabang taon. Unang naging kontrobersiyal ang paghihiwalay ng landas nina Angel Locsin at ng kanyang talent manager na si Becky Aguila, at nagpa-handle siya kay Manay Ethel Ramos. Marami ang nagulat nitong huli, nang si Cesar Montano ay mawala na sa poder ng kanyang talent manager na si Tita Norma Japitana. Napakatagal na kasi ng kanilang samahan.

Maingay rin ngayon ang hiwalayan nina Phil Younghusband at ng napakaganda niyang talent manager. Mukhang hindi maganda ang kanilang paghihiwalay, dahil kapag nagsasalita ngayon ang magandang talent manager ay Phil Younghasbeen na ang tawag niya sa dating alaga. Nakatatakot ang paghihiwalay ng landas nina George Roca at ng singer na si Ronnie Liang, dahil nagsisimula na si Roca na magbulgar ng kung anu-ano tungkol sa mga lihim ng dati niyang alaga.

Tahimik naman ang paghihiwalay ng landas ng talent manager na si Kuya Ed Instrella at ng kanyang alagang si Gardo Versoza. Kasamahan ni Gardo sa pamamahala ni Kuya Ed sina Jaclyn Jose, Cherry Pie Picache, Allan Paule at Susan Africa. Mga propesyunal sila pagdating sa trabaho, at pamilya ang turingan nila sa isa’t isa. Hindi kumportable sina Kuya Ed at Gardo na pag-usapan ang paghihiwalay nila sa trabaho. Pero ipinakiusap ni Instrella kay Kuya Boy Abunda kung puwedeng siya na ang tumulong sa movie career ni Gardo ngayon.

MABILIS TALAGA ANG dating ng mga pangyayari para magkalimutan ang dating magkasintahang sina Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo. Nang mailabas na kasi nila ang kanilang mga hinanakit sa isa’t isa, dedmahan na sila ngayon sa maraming pagkakataon ng kanilang pagkikita. Sobrang dikit na ang pangalan ni Mariel kay Robin Padilla, dahil hindi talaga nilubayan ng action superstar ang kanyang pakikipaglapit sa magandang TV host, lalo na nang maklaro niyang hindi na niya masasagasaan ang pagkalalaki ni Zanjoe kung ika-career niyang ligawan at mapasagot ang dalaga.

Kuwestiyonable naman ngayon si Zanjoe sa isyung siya ang nakipaghiwalay kay Mariel. Obviously, nasaktan niya talaga ang kanyang ex-girlfriend dahil sa kanyang naging desisyon. Pero may usap-usapan na nagsisimula na ring pumorma ng ligaw ngayon ang matangkad na aktor. Inaaligiran daw ni Zanjoe na ligawan si Bea Alonzo. Medyo nakaiintriga naman ito, dahil baka mahirapan siyang mapasagot si Bea, na sobrang busy ngayon sa kanyang career, habang si Gerald Anderson ang napapabalitang bago nitong boyfriend.

Sobrang busy rin naman si Zanjoe ngayon, dahil hindi naman siya nababakante. Makakasama siya sa drama series ni Cristine Reyes sa ABS-CBN. Medyo namamayat siya ngayon, na dapat niyang agapan. Nagbabago ang kanyang hitsura, mukha raw tuyot, dahil pinagsisisihan niya ngayon ang pang-iiwan na ginawa kay Mariel.

KABABALIK LANG SA bansa ng bagong miyembro ng Mocha Girls na sina Mae dela Cerna at Jhane Santaguiel, galing Malaysia. Nag-show kasi sila sa Kuala Lumpur. Sobrang excited si Mae sa unang experience at exposure niya sa Malaysia bilang bagong miyembro ng nasabing grupo. Wala naman daw nangyaring hindi maganda nu’ng pumunta sila sa nasabing bansa, katulad ng naranasan noon ng mga dating miyembro ng Mocha Girls na nagkaroon ng gusot nu’ng mag-show sila sa Guam, na humantong pa sa dahilan kung bakit binigyan sila ng walking papers pagbalik nila sa ‘Pinas.

Sabi ng magandang si Mae: “We learned from the past mistakes of the former members ng Mocha Girls. Sa Malaysia, ganu’n din ang patakaran. ‘Di puwedeng tumeybol at makipag-date sa customers. Show lang talaga, kasi ‘yon ang nasa kontrata namin. Otherwise, makakalaboso ka talaga gaya ng nabalitaan na nangyari sa ibang artista na nag-show sa Guam.”

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

6 thoughts on “Zanjoe Marudo, nagsisisi sa pag-iwan kay Mariel Rodriguez?!

  1. Balita ko Grabe daw Asset ni Zanjo, totoo bato? kaya pala patay na patay si BC..and laki at habang lalaki kasi ni Zanjo….btw
    BABALIK SI YABANg???@#$%^&*@#!!!!!?????!
    Beware ABS CBN, isang Certified Jinx si Willie, like si Villar, Roxas, kahit si Rico Puno natalo sa eleksiyon dahil sa kanya, in millions talent fee ni Yabang sa mga taong to, and who can forget Stampede Tragedy, etc. etc….
    79,500 petisyoner na galit kay Willie Revillame, ang counting high: http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly

  2. Mas gusto ni Mariel nang matanda at experienced. Si Robin na nagmumurang kamatis ang napili niyang ipalit kay Zanjoe. Bilis maka-rebound. Parang wala pang beinte kuwatro oras. Habol kasi niya ay publicity. Bagay sila ni Robin takaw pansin at publicity hungry. DESPERADO Y DESPERADA. . .

    • Robin publicity hungry at desperado eh saksakan ka pala ng ulol ano pinagsasabi mo putang ina mong bakla ka….

  3. Ka bre-break up lang, napalitan na kaagad ni Mariel nang di hamak na mas matanda kay Zanjoe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.