Zanjoe Marudo, masasaktan ‘pag napasama si Mariel Rodriguez!

SINAGOT NI ZANJOE Marudo ang mga intriga tungkol sa paghihiwalay nila ni Mariel Rodriguez. Pati na rin ang pakikipagrelasyon ng ex-girlfriend niya kay Robin Padilla. Sa presscon ng Kristine, binigyang-linaw ng ‘Prince of Passion’ ang mga isyung ibinabato sa kanya. May kirot pa rin bang iniwan sa puso niya ang break-up nila ni Mariel?

“Hindi ako naaapektuhan o kaya’y nasasaktan, wala akong ibang nararamdaman… Natutuwa nga ako kay Mariel dahil may nagpapasaya sa kanya. May nagmamahal na sa kanya. Natutuwa ako para sa kanya dahil ‘yung dream ng mga babae… si Mariel, hindi na iba sa akin. ‘Yung happiness na nararamdaman niya, ikinatutuwa ko. Hiling ko sana, maging masaya siya lagi. Masasaktan siguro ako kung napasama siya. Ang nangyari naman kay Mariel, napabuti siya kaya masaya ako para sa kanya.” Pahayag ni Zanjoe na sa tingin namin ay naka-move-on na.

Mahal mo pa rin ba si Mariel? “Wala na ako sa lugar para magsalita tungkol kay Mariel.”

Pinakamahalagang bagay na naibigay ni Zanjoe sa dalaga? “Siguro ‘yung pagmamahal ko, ‘yun ang pinakamahalaga.”

Inamin ni Zanjoe na hangad niya maging maligaya si Mariel sa piling ni Robin Padilla. Lahat naman daw tayo’y may kaparatang maging masaya sa piling ng iba. “Kung matagpuan namin ‘yung taong mamahalin namin… kung may makikita o makikilala, bakit ang hindi?”

At this point, puwede ka na uling magmahal? “Hindi ko siya hinahanap para lang magkaroon ng girlfriend. Kung darating, darating siya, kahit hindi mo hanapin. Hindi ko sinasabi ngayon, kung wala talaga o mayroon mang dumating, hindi ko rin mapipigilan ang sarili kong iwasan ‘yung ganu’ng bagay.”

‘Yung totoong dahilan ng split-up ninyo ni Mariel? “Sa akin na lang ‘yun at saka matagal na, hindi na dapat pag-usapan pa! May kanya-kanya na kaming buhay, ‘di ba? Huwag na nating ibalik ang nakaraan, baka maapektuhan pa kung ano ‘yung present.”

Reaction ni Zanjoe sa sinabi ni Binoe na gusto siyang makasama nito sa pelikula? “Oo naman, idol ko ‘yan. Iba ang pakiramdam ng isang iniidolo mo, ‘di ba?”

Palibhasa may bagong teleserye sina Zanjoe at Cristine Reyes, posible raw magka-developan ang dalawa. “‘Yung panliligaw, hindi ko normal na gawain. Kapag nagkagusto ako sa tao, hindi ‘yun ang style na kinalakihan ko. Kapag nakilala ko ‘yung tao, nagiging kaibigan ko, tapos kung nagkagusto ako, na hindi ko namamalayan na nagkakagusto na pala ako.”

May chance naman kayang ma-inlove si Zanjoe kay Cristine? “Siyempre naman dahil magkatrabaho kami at mahaba pa ‘yung pagsasamahan namin. Hindi ko minamadali ang lahat ng bagay, parang importante sa amin itong working relationship. Kung hahaluan ko ng personal, baka mag-suffer o magkaroon ng problema. Nagtatrabaho kaming dalawa, go with the flow kung ano ang mangyayari. Ayaw ko kasing isipin kung mayroon man akong ganitong sitwasyon sa buhay may ibang taong gagamitin para lang makatulong… kung may gusto ako, magagawa ko namang mag-isa.”

Papaano mo idi-describe si Cristine? “Para siyang bangus na matinik, matinik sa boys! Pinagpapantasyahan ‘yan ng mga lalaki, kaya bangus na maraming tinik…”

Ano ang mas matimbang kay Zanjoe, lukso ng dugo o pintig ng puso? “Siguro ‘yung pintig ng puso, kasi ‘yung lukso ng dugo habang buhay nand’yan ‘yan. Pintig ng puso puwedeng mawala so, huwag mo nang sayangin. Sa bawat pangyayari, mayroong learning kang natututuhan so, dapat ngayon mas wise ka. Mas matibay at mas malawak na ang utak mo. Mas marami ka nang dapat isipin. Alam mo naman, kapag tumibok ang puso mo, nabo-bobo ka naman. Wala kang ibang iisipin, kapag na-in love ka uli, ‘yun na ulit ‘yun,” pahayag ng hunk actor.

Bakit nawala si Zanjoe sa Banana Split, tinanggal ba siya o kusang umalis? “Hindi ko ‘yun kagustuhan, management decision na kailangang sundin. Ako, pamilya ko ‘yung Banana Split dahil ilang taon din kaming magkakasama. Simula nang mag-artista ako, sila na ‘yung kasama ko, kagrupo ko so, paiba-iba kami ng show, pero hindi kami naghihiwalay. Nakakalungkot na medyo mapapahiwalay muna ako sa kanila pero sigurado akong magkikita uli kami,” paglilinaw ng aktor.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

6 thoughts on “Zanjoe Marudo, masasaktan ‘pag napasama si Mariel Rodriguez!

  1. eh kasi naman mga appliances lang ang kayang ibigay ni mariel tapos echosera pa dun sa mga taga press may i sumbong siya doun na nahuli niya sina zanjoe at piolo sa bahay niya na nagtulog tulugan kaya hayun galit mode ang zanjoe at hiniwalayan nya ang mariel na eskandalosa. Mas malaki yata ang mga gibsung ng mga bakla oh di ba BMW at condo pa kaya may i choose ang zanjoe sa bakla kesa eskandalosang mariel na sumbungera sa mga press people kaya napahiya ang zanjoe sa press chismis.

  2. laki ksi ng nguso mo para kang soso dpat lang sayo ipagpalit ka na, ikaw pa nkipaghiwalay puro pakita abs kaya nguso mo nagka abs na rin

Leave a Reply

Your email address will not be published.