Zanjoe Marudo, iuutang sa bangko ang birthday gift kay Bea Alonzo!

NAKAKABILIB ANG PAGIGING vocal nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo tungkol sa kanilang relasyon. Gano’n naman talaga ang dapat. Kung talagang nagmamahalan kayo, huwag n’yo nang itago pa. Lalo at kung mga public figures nga kayo.

Ang dami kasing ibang celebrities na obvious namang nagkakamabutihan na pero deny pa rin nang deny at sige sa pagdidiin na magkaibigan lang sila. Tapos kamukat-mukat mo, aamin din pala na naging sila pagdating ng panahong nag-break na.

Pero sina Bea at Zanjoe, hayagan nga ang pagsisiwalat ng kung ano ang meron sila ngayon. Pati mga plano nila para sa kanilang dalawa, ibinabahagi rin nila sa publiko. Gaya ng naka-schedule nilang pagpunta sa Korea .

Sabi pa nga ni Bea, “Gusto kong makita ang mga park na ipinapakita sa mga Koreanovela. At tamang-tama, fall sa Korea.”

May pagka-romantic ang da-ting ng autumn season. Kumbaga, may karagdagang kilig na hatid ito sa kanila habang namamasyal doon. Hindi pang-Koreanovela na kilig kundi for real life talaga na lovestory nila.

Mid of October daw ang kanilang alis patungong Korea. Four days umano silang nakatakdang mag-stay roon. Si Zanjoe umano ang nag-asikaso ng kanilang trip na ito. Parang bonding time na rin daw nila itong dalawa kaugnay ng 24th birthday ni Bea nitong October 17.

May mga nagtatanong kay Zanjoe kung ano ba ang birthday gift niya kay Bea. Pabiro naman ang naisagot nito na, “Maglu-loan ako sa bangko para puwedeng finan-cing!”

Ibig sabihin, expensive talaga ang plano niyang ibigay kay Bea. Kasi ilu-loan sa bangko at through financing pa. Lalo tuloy na-curious ang marami kung ano nga ba ang binabalak niyang ibigay na birthday gift kay Bea. Kotse ba, bahay, o mamahaling singsing? Pero walang sinabing anumang partikular si Zanjoe tungkol sa planong gift nga niya sa aktres.

Diretsahan ding nasasabi ng binata, talagang si Bea raw ang tipo ng babae na gusto na niyang makasama nang panghabambuhay na.

Husband material din naman daw ang tingin ng aktres kay Zanjoe. Dagdag pa ngang nasabi ni Bea, “He’s the perfect guy.  Anyone would be lucky to have him.”

Ganyan? So… hindi kaya soon, wedding plans naman ang sunod na maririnig from Bea and Zanjoe?

Abangan na lang natin!

 

KUNG VERY VOCAL sa kanilang relasyon sina Bea at Zanjoe, siya namang kabaligtaran ng rumored lovers ding sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.

Kahit medyo nadulas nang umamin si Luis na hindi lang sila ordinaryong magkaibigan ni Jennylyn kundi lampas-MU na ang estado ng ugnayan nila, mapilit pa rin ang huli na friends lang daw sila.

At dahil do’n, ang tawag tuloy ng iba kay Jennylyn ngayon, Kiyemelyn Mercado. Kasi puro kiyeme raw ang sinasabi kapag ang napapag-usapan na ay ang tungkol sa real score sa kanila ni Luis.

Well… right naman ni Jennylyn kung gustuhin niyang ilihim kung nasaang level na nga ba talaga ang relasyon nila ni Luis nga-yon. Baka naman bumubuwelo lang.

Noon kasing panahong naka-relasyon ni Jennylyn si Patrick Garcia o kahit si Dennis Trillo, hindi rin naman kaagad-agad naging vocal about it ang aktres. Pero kalaunan, umamin din naman.

Obviously, masaya si Jennylyn ngayon sa kung anumang meron sila ni Luis. Lagi siyang blooming. Laging inspired at masigla.

Kung ayaw umamin, huwag na lang intrigahin. At least happy si Jennylyn!

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

9 thoughts on “Zanjoe Marudo, iuutang sa bangko ang birthday gift kay Bea Alonzo!

  1. echos naman toh…. si marudo daw ang nakauna kay bea…. ano palagay mo kay anderson santo? may mga tibo pa nga eh….

  2. At si jen, of course Sinisiguro lang nya kung talagang hombre si luis…baka nga naman maloko lang sya ng isa palang sirena!…

  3. Bagay naman sila bea at zanjo…pareho silang boring ang personality, pati syowbiz karir malamlam din…

  4. Ganyan kasi ang gusto ni Jennylyn. Ung deny muna sa umpisa para may kilig, pashowbiz, pagtapos mawalan ng kilig eh tsaka aamin! Malandi lang talaga!