Zanjoe Marudo, gustong makipagbalikan kay Mariel Rodriguez?!

MAY ESPESYAL NA taong binati ang TV host na si Tim Yap sa Party Pilipinas.

“Alam n’yo ba, guys, kausap ko siya kanina. And ang sabi niya, nanonood daw siya palagi ng Party Pilipinas. Kaya hello to Mr. Willie Revillame!”

“NAKU, MARE, MASAKIT sa ulo. Talagang sinusubukan ako ng pagkakataon,” nasambit na lang ni Angelika dela Cruz nu’ng makita namin siya sa isang computer shop sa Morato.

Nagpapa-xerox ng ilang dokumento si Angelika that time. Kasama niya ang kanilang lawyer at ang daddy niyang kalalabas lang ng ospital.

Sobrang hindi pa rin makapaniwala si Shine na mangyayari sa pamilya niya ang sunud-sunod na unos. Una, namatay sa car accident ang kanyang kapatid na si Edward.

Ang tatay niyang si Daddy Ernie dela Cruz ay kalalabas lang ng ospital. Ang kanyang binatang kapatid na si Eric ay apat na operasyon ang pinagdaanan na bawat operasyon, P350 thousand ang halaga.

Tapos, heto’t parang ‘yung pinagpaguran pa ng kapatid niyang si Edward na pinroklama rin bilang pangatlong councilor-elect sa Malabon ay masisilat pa.

“Ang ni-nominate ng Liberal Party eh, si Tiger Mañalac, ‘yung pampitong Konsehal.”

Ilalaban ba nila para mapunta ang naiwang posisyon ni Edward sa pinakamalapit na kamag-anak?

“Hindi. Ilalaban pa rin namin. Basta, bahala na. Naku, mare, ang dami naming inaasikaso ngayon.”

Nu’ng July 10 ay nagkaroon ng fund-raising campaign sa Barrakz para matulungan ang pamilya ni Angelika dela Cruz sa dinaranas nitong problema sa pananalapi.

“Sobrang thankful ako, mare. Lalo na kay Jodi (Sta. Maria) na siyang nakaisip na bigyan kami ng fund-raising campaign. Sobrang touched na touched ako sa kanya at sa iba pang kasama sa industry na talagang nakiisa at dumamay sa pamilya ko. Salamat talaga sa kanila!”

TRUE BA ITO? Na gusto nang kausapin nang masingganan ni Zanjoe Marudo ang inisplitan niyang girlfriend na si Mariel Rodriguez, dahil gusto niyang makipagbalikan sa TV host ng Wowowee?

Kaso, paano?

Sa presscon nga ng sitcom, parang “cold na cold” sila sa isa’t isa, eh.

O, totoong nai-inlove na si Zanjoe sa kapareha niya sa isang episode ng Cinco na si Pokwang?

Alin ba ang kapani-paniwala, nalilito na kami, eh.

‘Yun bang gustong makipagbalikan ni Zanjoe kay Mariel o nai-in love na si Zanjoe kay Pokwang?

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Kasama siyempre diyan sina Ms. F, Fwend Rommel Placente, Daddy Eric Borromeo. ‘Yan ay kung type n’yo lang maaliw, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

18 thoughts on “Zanjoe Marudo, gustong makipagbalikan kay Mariel Rodriguez?!

  1. NAKITA KO NA REN SI SANJO KAMUKHA SIYA NOONG DATI NAMING HARDINERO.PERO KAMUKHA TALAGA SIYA NI OGIE DIAZ

    • ewan ko sa iyo samsungbabe, iba-iba nga ang taste natin. Cguro kung lalagyan mo ng takip ang parte ng bibig niya at matatakpan ang kapal ng labi niya ay mag-agree ako sa iyo na gwapo siya. . :-)

  2. hello TIM YAp.. ikaw nga umayos kang bakla ka.. sa totoo lang napaka TRYING HARD mo mag host.. actually non sense.. sayang at nagmumukha kang cheap promise.. alam kong marami kang pera at ang muka mo nagkalat lagi sa malate at laman ng gay bars doon.. manahimik kna lang teh

  3. paano naging artista si mariel,toni gonzaga,zanjoe,at krista ranillo ang papanget ng mga mukha nila.okay lang kung comedy

  4. SANA MALAMPASAN NI ANGELICA ANG MGA PAGSUBOK NIYA SA BUHAY AT SANA TULUNGAN SIYA NG MGA KASAMAHAN NIYA SA SHOWBIS

  5. sa kaso ni angelika its the party who will decide kung sino papalit sa pwesto ng kapatid nya if i were her makikiusap nalang ako kay pnoy but then again ang party talaga

  6. I’ve just heard that rumored, kasingtangkad daw ni KC yong girl, and pretty mistisa.. so its real? No wonder Zanjo looks very inspired and energetic. You can see in his eyes. Super kulit kasi ni Mariel kasi e, sobrang selosa pa..Good luck to both of them.

  7. Laking pagkakamali ni Tim Yap. Binanggit kasi name ni Willie Revillame. Sigurado mamalasin siya, like ng mga politician na dinala niya na puro talo, kahit nga si Rico Puno.
    Jinx o malas daw kasi si Willie after the mishaps, like the Stampede Tragedy, etc.
    Kaya, Suggest sa mga ayaw malasin.. alam na nyo gagawin.

  8. NAHIHIBANG KA BA OGIE? SI ZANJO PAPATOL KAY POKWANG, I KNOW YOURE JUST KIDDING, BUT PLEASE…. IT’S A TASTELESS JOKE. ALAM KO MGA TYPE NI ZANJOE.
    GUESS WHAT..MAY GF NA RAW ULIT SI ZANJO, ANAK DAW NG PINOY BILLIONAIRE NA FOREIGN BASED. DISCREET PA RAW. FROM A RELIABLE GRAPEVINE DAYS AGO. ITS REAL.

    • pera-pera lang talaga ang labanan ha? Sabagay, kahit naman sino ay ganuon din ang gagawin kung sila ang nasa posisyon ni zanjoe sa hirap ng buhay sa panahong ito. Wag ng magpaka-plastik ang iba dyan dahil walang maniniwala sa inyo kung sasabihin ninyo na hindi kayo ganuon. :-)

      • Kung tutuusin, hindi naman gwapo si zanjoe, matangkad lang pero ginagamit niya ang utak niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.