Zanjoe Marudo, ‘di napag-iiwanan ng GF na si Bea Alonzo

MUKHANG MAGIGING taon na yata ni Zanjoe Marudo ang 2013. Aba, bukod nga sa naging hit ang kanyang Bromance, kasama rin siya sa bubuksang teleserye na Annaliza na pang-primetime.

Siya ang tatay-tatayan ng gaganap na Annaliza na si Andrea Brillantes.

Sa true lang, marami ang naging suki ng said serye kaya naman hindi malayong ihambing nila ito sa original na Annaliza na ang bida nga ang the late Julie Vega.

Makikipagtagisan si Zanjoe sa mga mahuhusay  at award-winning actors na sina na sina Carlo Aquino at Patrick Garcia.

Sana nga ay tuluy-tuloy na ang pagsikat ni Zanjoe at nang hindi siya masabing napag-iiwanan ng kanyang girfriend na si Bea Alonzo pagdating sa kanilang career.

 

ISA KAMI sa unang nakakita at nakasalubong sa mga Starcampers. Mga kabataang babae at lalaki at na gustong masubukang maging isang artista rito sa ‘Pinas. Mula sa show na Starcamp sa MYX TV from Amerika na mapapanood via cable network.

Last Thursday night ay nakilala naman sina Renzo Vergara, Matt Wong, Christopher Obien, Rhobbyn Concepcion,Karen Cabrera,Allen Mendoza, Tommy Colberg,Jemimah Garcia, Nathan Concepcion.

Mananatili sila ng 45 days dito sa ‘Pinas para sumuong sa mga aktibidades na kanilang haharapin.

Ang show na ito ay under ng Grand Slam Productions,Inc.

Naganap ang tsikahan sa Starcampers sa Chef Nicos, California  Garden sa Mandaluyong City. Salamat kay Mama Ona na siyang magdidirek ng said project, Jeff Ando at kay Ms. Claire na naging punong-abala noong araw na ‘yon.

Again, Starcamp MYX TV the first reality show for aspiring  Fil-Ams on how they will enter the Philippine showbiz industry.

Sa totoo lang, makikita natin sila sa kanilang TV guestings. At marami ang may karapatan sa mga Starcampers… ‘Di ba, Jeff?

 

60TH BIRTHDAY na ng superstar Nora Aunor bukas, Tuesday May 21. Kaya marami na ang nagtatanong kung ano ba ang birthday gift sa kanya ng TV5 na kanyang mother station.

Sa pagkakaalam ko ay may bonggang  party na ibibigay sa kanya ang said network. Pero ang hinihintay ng mga fans na birthday show ay wala kaming naririnig.

Pero malay natin na isang concert ang regalo sa kanya kapag naayos na ang boses ni Ate Guy.

May project naman silang pagsasamahan ng kanyang original loveteam na si Tirso Cruz III. Kaya humanda na kayo, mga lolos at lolas.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

2 thoughts on “Zanjoe Marudo, ‘di napag-iiwanan ng GF na si Bea Alonzo

  1. Mabuti na lang at nag split sila ni Tupperware queen. Bea is far more beautiful ang talented than Zanjoe’s ex.

Leave a Reply

Your email address will not be published.