Zanjoe Marudo, ‘di nahirapang maging bading dahil kay Bea Alonzo!

KAHIT MAG-DYOWA sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, naiibang character ang kanilang ginampanan sa 24/7 In Love ng Star Cinema offering in celebration of the 20th anniversary of Star Magic. Natawa lang sila pareho nang mabasa nila ang script. They will be playing odd couple, Belle and Butch. Mai-inlove si Belle sa best friend niya si Butch na isang beki. “First time akong nag-portray ng ganitong role na obsessed sa isang character,” say ni Bea habang nasa tabi niya si Zanjoe.

“Sa totoo lang, alanganin nga akong gawin ‘yung role as beki, kasi first time kong gumanap na bading sa pelikula. Kailangan mong pag-aralan ‘yung character ng isang beki. Habang nasa set, nagmamasid-masid ako sa mga gay na kasamahan ko sa production. Pinag-aaralan ko ‘yung kanilang kilos at galaw. Tinulungan naman nila akong maging beki. ‘Yung body movement, attitude, gay lingo. Actually, at first, awkward ako pero habang tumatagal, natatawa na lang ako sa ginagawa ko,” dugtong naman ni Zanjoe.

Kung iba raw ang naging leading lady ni Zanjoe baka mahirapan siyang gawin ang role ng isang gay. Nagkataon na si Bea ang naging kapareha niya kaya relax siya. It’s a big challenge on his part to do such character as beki. Para nga raw silang naglalaro sa set habang kinukunan ang bawat eksena. Hiningan namin ng pahayag ang actor sa sinabi ni Bea si Zanjoe ang beautiful affair niya. “Nakakatuwa, hindi ko naman alam ‘yang mga ganyang bagay tapos malalaman ko. So, may nagawa pala akong mabuti para sa kanya,” aniya.

Comment naman ni Bea tungkol sa sinabi ng actor, “Alam mo, lagi niya akong pinapasaya kahit ‘yung maliliit na bagay. Bigla niya akong iha-hug, bigla niya akong iki-kiss parang masayang-masaya na ako kasi, hindi siya ganu’n dati. Somehow, kapag gumaganu’n siya, I feel important. Sa ngayon, masayayang-masaya ako.”

 

AFTER TWO years, balik tambalan na naman ang dating lovers na sina Gerald Anderson  at Kim Chiu sa 24/7 In Love. Na-excite sila pareho dahil alam ni-lang ikatutuwa ito ng kani-lang fans as their tandem is reunited. Umaasa sila na muling manunumbalik ang naudlot na pagmamahalan ng dalawa sa pelikulang ito.

Inamin ni Gerald na naaalala niya ‘yung happy moments nila ni Kim together. Bumabalik daw ‘yung good memories nila. “Kahit bihira na kaming magkita at magkausap ni Kim, we’re still friends. ‘Yung first day shooting namin, kumportable na agad kami kasi, kilala talaga namin ang isa’t isa. Minsan kasi para mapatunayan at malaman mo kung mahal mo talaga ang isang tao, kailangan minsan sa buhay, you have to grow apart from each other kahit sandali lang. Kasi, kapag hindi na kayo magkasama, du’n n’yo makikita at mararamdaman kung kayo talaga ang para sa isa’t isa,”pahayag ng actor.

Ibinahagi rin ni Kim ‘yung magandang pinagsamahan nila ni Gerald. Ayaw na niyang balikan ‘yung mga negative issue tungkol sa kanila ng binata. Maging positive na lang daw tayo para maging maganda ang mga bagay-bagay sa ating kapaligiran. Ikinuwento ni Kim na maraming nakakikilig na eksena sila ni Gerald. Gamay na nila ang isa’t isa kaya madaling nakukuha ang bawat eksenang gustong mangyari ni Direk Mae Cruz.

Mga moment together nina Kim at Gerald na nagbabalik alaala sa dalaga noong time na sila pa ng actor habang nasa shooting. “Huwag agad-agad magdesisyon. Timbangin muna kung ano ‘yung mas importante para sa ‘yo, ‘yung pagmamahal mo or ‘yung career mo. Pero kung p’wede namang isabay, p’wede naman, basta know your priorities lang, pangarap mo ba o ‘yung love mo? Gamay na namin ang isa’t isa kaya madali naming nakukuha ang gustong mangyari ni Direk Mae Cruz,” sambit ni Kim Chiu.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.