Zanjoe Marudo, dedma sa pasaring ni Mariel Rodriguez!

BLIND ITEM: Kahit matagal na ang panahon nang sila’y nagkahiwalay, e, ayaw pa pala talaga ng isang showbiz hot mama na ipakita ang kanyang baby sa bagets father nito kung hindi lang siya pinilit ng kanyang Papa Hunk, na karelasyon niya ngayon.

Heto ang kuwento ng aming source: “Naku, dapat magpasalamat ang bagets father dahil kung hindi sa Papa Hunk ng ina ng kanyang anak e, hindi pa rin niya makikita ang kanyang dyunakis na matagal nang Ipinagkait sa kanya.

“Pinag-awayan pa nga ni Papa Hunk at ni Hot Mama ang isyu na ‘yon dahil hanggang ngayon e, bitter pa rin talaga si Hot Mama. Ayaw pa rin talaga niyang ipakita ang fruit of love nila noon ng bagets father.

“Kaya lang, umeksena na si Papa Hunk. Sabi nga niya kay Hot Mama, kung hindi mo ipakikita ang baby sa kanyang father, ibig sabihin lang nu’n e, bitter ka at mahal mo pa rin siya.

“Ayun! Affected ang Hot Mama. Para hindi masabing love pa rin niya si bagets father at ex niya e, nag-decide siyang magpunta sa party ng kapatid ni bagets father dala ang kanilang baby.

“Kaya kung may dapat na pasalamatan si bagets father, ‘yon e, walang iba kundi si Papa Hunk dahil siya naman talaga ang pumilit kay Hot Mama at pinag-awayan pa nila nang matindi ang naturang isyu, ‘no!

“Kailangan pa ba ng clue? E, ilan lang namn ang Hot Mama sa showbiz kaya markado na ‘yon, ‘no! At ang kanyang Papa Hunk? E, sino pa ba ang kinaiinggitan ng mga kalalakihan dahil sa dami ng girlfriends kundi si Papa Hunk, hendehvah?” Pambubuko pa ng aming source… getz?

PARANG HINDI MAGKAKILALA. Parang walang pinagsamahan. Dedma lang ang drama ng ex-lovers na sina Mariel Rodriguez and Zanjoe Marudo nang humarap sila sa press para sa kanilang pelikulang Cinco ng Star Cinema sa Dolphy Theater the other night.

Nasa gitna sila nina Pokwang at Maja Salvador kaya hindi nagkaroon ng chance na mag-usap ang dalawa.

Hep, hep! Hindi rin nagkasama ang dalawa sa shooting ng movie dahil limang magkakaibang kuwento ang laman ng isang pelikula.

May ilang mga kapatid sa panulat ang nagpumilit na pigain sina Zanjoe and Mariel about their real score at kung bakit sila nagkahiwalay pero pinigilan ito ng mga tag-Dos na namamahala sa Q and A portion.

Pero parang nagparinig naman si Mariel kay Zanjoe. Sabi niya kasi, ang mga lalaking unfaithful ay malamang na kinakarma but she also clarified na hindi niya wini-wish na ma-karma ang kahit na sino.

Ang reaksiyon ni Zanjoe? Wala lang. Parang wala siyang narinig. In short, hindi siya apektado. Parang nakarinig lang siya ng joke sa Banana Split, hek-hek-hek!!!

KUNG SAKALING MARAMI ang nagtataka kung bakit super lean ngayon ang katawan ng singer-turned-actor na si Lance Raymundo, ‘yon e, sa dahilang siya ang gumanap sa role ni Emilio Aguinaldo sa Cinemalaya entry, Ang Paglilitis kay Andres Bonifacio.

Bilang mandirigma like President Aguinaldo e, kinailangan ni Lance na mag-work out para maging lean ang kanyang katawan and he did that in less than two weeks.

Kitang-kita naman sa mga naglabasang publicity photos ni Lance na yummy ngayon ang kanyang upper body dahil sa kanyang kasipagan sa pagwo-work out.

At hindi rin nagkamali si Direk Mario O’Hara sa pagkuha sa kanya dahil like President Aguinaldo na magaling sa fencing e, naging manlalaro din pala ng fencing si Lance wayback in his school days kaya hindi na sila nahirapan na pag-aralin pa siya sa pag-espada.

Lance is very happy with this indie film na co-produce din ni Kuya Boy Abunda, dahil after ng kanyang much-acclaimed movie na Narseri from Cinemalaya e, nasundan pa ito ng another quality movie, ito ngang Ang Paglilitis…, na ipalalabas din sa film festival ng Cinemalaya sa CCP come July 11 to 17.

Pwamis, hindi namin papalagpasin ang movie na ito dahil malalaman namin kung babaguhin ng pelikulang ito ang history ng bansa o hind dahil kapag nagkataon e, siguradong malaking kontrobersiya ang sisimulan ng naturang movie.

For reaction, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

13 thoughts on “Zanjoe Marudo, dedma sa pasaring ni Mariel Rodriguez!

  1. may movie kasi si mariel at robin. siya pumalit kay toni kc maraming raKet si toni. gimik lng yan ng abs.hindi ang katulad ni mariel ang ppakasalan ni robin.dahil hindi niya maiintindihan ang debosyon ni robin.mkamundong babae si mariel d cla item.bkA fren lng …..

  2. SA TOTOO LANG, MAHIRAP MAKATAGPO SI MARIEL NG COMPATIBLE SA UGALI NIYA, MAHIRAP ESPELINGIN AT TALAGANG MAIIRITA KA, NAGGER KASI SIYA AT SOBRANG SELOSA. KAYA SI ZANJO, PARANG NAKAWALA SA HAWLA. SEE THE ON CAM INTERVIEW..SABI NIYA,..MAS MARAMI NA RAW SIYANG MAKIKILALA NOW. THAT CLEARLY MEANS, ITINALI SI ZANJO SA ISANG SULOK NI MARIEL SINCE THEN.

  3. yap d na to blind item..

    be happy na lang kc at least lahat sila magkakasundo na..wag na kcng haluan ng mga d totoong dahilan kung bakit nangyari un, ang importante, ok na lahat sila..

  4. be happy na lang kc at least lahat sila magkakasundo na..wag na kcng haluan ng mga d totoong dahilan kung bakit nangyari un, ang importante, ok na lahat sila..

  5. SINUNGALING pa talaga itong mariel na ito di ba sinabi nya na never pa silang nagdedate ni robin na silang dalawa lang kuno samantalang nakakaabot na sila ng Loboc River, Bohol ni robin padilla na silang dalawa lang ang pasahero! Helloo!!!mga sinungaling talaga! di na tayo dapat magtataka na one of these days mabubuntis tong mariel na ito ni robin pala churva

  6. Blind item pa bang matatawag iyan? Eh sa lahat yata ng newspaper eh napangalanan na sila: Jennylyn, Dennis, Patrick.

  7. B.I pba yn nku Sarmiento asikasuhin m nlng ang kaso mo kesa magsulat ng mga kasinungalingan tungkol sa mga artista. Nakakairita ka!

  8. Mariel ikaw ang unfaithful, feelingera ka talaga. binuking na nga kayo ng anak ni Robin na madalas si Robin sa Condo mo eh…. at saka matapos mong pagsawaan si Zanjoe at agawin kay Bianca noon eh ikaw pa ang malakas ang loob na magparinig kay Zanjoe??????? Karma is a bitch and so are you…..

  9. gosh, kailangan pa bang i-blind item yan. e, silang tatlo lang naman ang pinaguusapan patungkol sa isyung iyan at malapit na ngang matapos ang isyu dahil wala naman name ang mga involved. kailangan pa bang itago ang name nitong jennylyn, dennis, patrick? nakakayamot basahin ang mga ganitong item ha.

Leave a Reply

Your email address will not be published.