Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, ginawang laro ang ‘cool-off’

Bea-Alonzo-Zanjoe-MarudoSA INTERVIEW namin kay Zanjoe Marudo sa nakaraang solidarity concert ng ABS-CBN sa Smart Araneta Coliseum, agad naming tinanong ang aktor kung totoo ba na cool-off sila ng girlfriend na si Bea Alonzo, kung saan ang pinagbasehan daw ng kuwento ay ang pinost niya na larawan nila ng aktres na may caption na “cool-off”.

Ipinaliwanag sa amin ni Zanjoe na nagdi-dinner sila ng gabing iyon at wala silang maisip na ilagay na caption ni Bea kaya’t naisipan niyang cool-off na lang ang i-caption dahil lagi naman silang naiisyu na cool-off ng girlfriend.

Siniguro sa amin na maayos ang relasyon nila ni Bea, never silang umabot sa cool-off gaya ng matagal nang issue sa kanila at para sa kanila ay pang-high school lang ito. Sa isyu na oras daw ang pinag-aawayan nilang dalawa ng aktres, ipinaliwang sa amin ni Zanjoe na tapos na sila sa ganoong panahon at ngayon ay mas naiintindihan na nila na dapa nilang pagtuunan ng pansin at pananon ‘pag may trabaho sila, dahil mas mahirap nga naman ‘pag binigyan sila ng oras para sa isa’t isa pero wala naman silang  trabaho.

Iseselebra ang Pasko kasama ang pamilya at si Bea, nagbabalak ang dalawa na pagsamahin muli ang pamilya Alonzo at Marudo para sa darating na Kapaskuhan na dati pa naman ay kanila nang ginagawa. Isa sa relasyong maituturing na matibay sa paglipas ng panahon, wala pa man sa plano nila ang pagpasok sa pag-aasawa ay nakita na naman nina Bea at Zanjoe ang isa’t isa na maaari nilang makasama habang-buhay.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.