ZANJOE MARUDO, ALJUR ABRENICA, AT JC DE VERA: MGA BANO SA AKTING!

MARAMI ANG NANGHIHINAYANG sa break na ibinigay ng ABS-CBN kay Zanjoe Marudo dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin marunong umarte ang aktor. Kumbaga sa karera, hanggang ngayon ay nasa fist lap pa rin siya samantalang ang mga kasabayan niyang sina Sam Milby at Derek Ramsay ay malayo na ang nararating.

Sa last episode ng programang Kristine ay nakakatawang nakakaawang tingnan si Zanjoe. Nagpipilit siyang umarte samantalang ibang emotion naman ang ipinakikita ng kanyang mukha, flat for short.

Maraming mas karapat-dapat na bigyan ng break ang Channel 2, pero mapalad si Zanjoe dahil nagkakaroon siya ng mga project, pero ang nakakalungkot, parang hindi binibigyang halaga ni Zanjoe ang oportunidad na ibinibigay sa kanya at sa halip ay kuntento na siya sa inaakala niyang akting na.

Hindi sa nanlalait kami, pero subukan kayang mag-acting seminar ni Zanjoe para naman mag-improve ang kakayahan niya sa  pag-arte or subukan kaya niyang umarte sa harap ng kamera para makita niya kung ano ang kulang sa kanya?

Kunsabagay, hindi naman nag-iisa si Zanjoe, kasama rin niya si Aljur Abrenica na sa tuwing napapanood namin sa Machete ay naloloka kami.

Oo, maganda ang katawan ni Aljur. Bagay sana sa kanya ang role na unang ginampanan nina Gardo Verzosa at Cesar Montano, pero, bathala ng mga bakla! Walang kadating-dating na Machete si Aljur, hindi kapani paniwala ang kanyang mga ginagawa. Walang emosyon ang linyang kanyang binibitiwan, for short worst!

Anyway, hindi lang naman sa Dos at Siyete meron n’yan. Pantapat ng Singko kina Aljur at Zanjoe, si  JC De Vera.

Yes, nanghihinayang kami kay JC. Kasi, Nu’ng pinapanood namin ito sa Lalola together with Rhian Ramos ay bilib na bilib kami sa aktor at isa kami sa mga kumbinsidong sooner ay magkakaroon ito ng acting award.

Pero, bathala ng mga bakla, habang tumatagal ay nawawala ang emotion sa mukha ni JC kapag umaarte na siya. Ano kaya ang nangyayari kay JC? bakit sa halip na gumaling siya ay parang ngayon pa lang siya nagsisimulang umarte?

Kung si Zanjoe ay nakakatawa sa Kristine at si Aljur ay mas nakakatawa sa Machete, sana sa TV series na Ang Utol Kong Hoodlum na unang pinagbidahan ni Robin Padilla ay maging “ganap” nang aktor si JC. Tsuk!

MALUNGKOT SI LUIS Manzano last Valentine’s Day dahil ang pangarap niyang makasama sa araw na ‘yon na si Angel Locsin, hindi natupad. Instead, kinikilig ngayon ang aktres kapag napapag-usapan si Phil Younghusband na isa sa mga manlalaro ng Azkals. Mas enjoy daw ngayon ang aktres na pag-usapan ang soccer player kesa kay Luis na dati niyang boyfriend.

“Naku, malabo na talagang magkabalikan pa sina Luis at Angel dahil si Angel, never ‘yang nakipagbalikan kahit na kaninong guy na kanyang nakarelasyon,” sabi sa amin ng isang taong malapit sa aktres.

Sa kabilang banda, hindi man nagkaroon ng katuparan ang pangarap ni Luis, masaya rin naman ang binata. “Ayokong magpilit, basta sa ngayon, happy ako. At least, magkaibigan kami ni Angel at ‘yon ang importante,” sey ni Luis.

Ayon pa sa actor, matatagalan bago masimulan ng Kanto Boys ang kanilang project. “Hindi kasi nagtatama ‘yung sche-dule naming apat. ‘Pag okey ‘yung isa, ‘yung isa, hindi naman puwede kaya mahirap talaga,” aniya.

MUKHANG PROBLEMADO ang Marie France dahil mula nang ilabas nila si Sharon Cuneta bilang bagong endorser ay parang dumami ang nagtaasan ng kilay.

Kay Dawn Zulueta, okey lang, maraming naniniwala na maganda nga ang Marie France, pero nang si Sharon na, parang magdadalawang-isip ka. Kasi, up to now parang wala namang nabago sa timbang ni Sharon, mataba pa rin siya!

Sa totoo lang, hindi lang ang Marie France ang nasa balag ngayon ng ala-nganin, maging ang Megastar ay mas pressured na magpapayat.

“Naku, paanong papayat si Sharon? Kapag wala yatang nakatingin sa kanya, kain siya nang kain, wala rin!” mataray na pagwawakas ng aming kausap.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

5 thoughts on “ZANJOE MARUDO, ALJUR ABRENICA, AT JC DE VERA: MGA BANO SA AKTING!

  1. I agree talaga si zanjoe ay bano i don’t know kung sino ang binayaran ng tanga ng yan tungkol sa
    award or i think the studio is trying to promote him kay wala na sila afrtista nasa kapuso na.
    Congratulations kung sino man ang nagsulat tungkol kay zanjoe that is really true parang may
    pagka abno pa kung kumilos.

  2. isama nyo pa si Richard Gutierrez (patay ang mata), Mark Herras (kunot-noo lang) , Dingdong Dantes (pa-cute ang mukha). Puro mga pa-cute lang. Sa totoo lang wala silang binatbat kay Jerico Rosales! wala sa kalingkingan ni Jerico yang 3 un! pinapakain sila ng alikabok ni echo when it comes to acting! 

  3. Karma yan ni JC for making the brouhaha and later on naging basura nalang acting nya… sayang..when he was in GMA magaling xa no doubt..his acting is lot better than Richard Gutz na monotonous ang acting.. pero nawala ang acting ability nya sa TV 5 .. kita sa knya na empty headed and unhappy….what goes around comes around..better be luck next time un e kung di pa xa masasapawan ng mga upcoming more talented artists

  4. ..THIS WRITER OBVIOUSLY A SOLID DETRACTOR OF ZANJO.
    WE CAN SEE NAMAN THE IMPROVEMENTS FROM THE VERY START, HINDI SIYA BIBIGYAN NG SUNOD SUNOD NA PROJECT IF HE IS NOT DOING GOOD. UNIQUE KASI SIYA..AT KINAI INGITAN, HINDI SA KANYANG ASSET..BUT FOR HIS PERSONALITY.

  5. yan kasi, sana pinag-isipan muna nilang mabuti bago nila kinuha si sharon. Mayaman naman siya pero bakit hindi siya mag undergo ng liposuction. Bakit si kris aquino, ilan beses na ba siya nagpa-liposuction at kung anu-ano na nga ang pinagawa niya sa mukha niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.