Zambales, niyanig ng 6.2 magnitude na lindol

BINULABOG NG 6.2 magnitude na lindol ang mga residente ng Zambales hanggang Metro Manila kahapon ng madaling-araw.

Ayon ka Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum, ala-1:15 ng madaling-araw nang maramdaman ang pagyanig sa bayan ng Iba.

Natunton ang epicenter ng lindol na tumama sa karagatan sa layong 13 kilometers sa Northwest ng nasabing bayan. Naitala naman ng USGS ang epicenter ng lindol 26 kilometers northwest ng Olongapo City o 101 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Metro Manila.

Naramdaman ang intensity 4 na paglindol sa Clark Field Pampanga at intensity 3 sa Quezon City at Makati City.  Pinawi naman ng pamahalaan ang pangamba ng mga residente sa lugar at sinabing walang dapat ikabahala lalo na sa banta ng tsunami dahil mahina lamang ito.

Walang naiulat na nasaktan, nasawi  o pinsala sa naturang pagyanig subalit dahil may kalakasan ito ay asahan pa rin ang aftershock.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.